DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 21

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


MAGKAHALONG galit at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon.  Bakit hindi pinakawalan si Finn at ako lang ang pinalabas? Bakit kasama ni Rave ang mga dumukot samin? Marami pa akong tanong pero hindi ako dapat mag-aksaya ng oras. Kailangan kong mahabol ang truck.

“Rave tara! Kailangan natin iligtas si Finn.” 

Sasakay dapat ako sa kotse ni Rave pero hinawakan niya ako sa braso at pinigilan.

“Drixie, no! Ligtas ka na. Ang dapat nating gawin ay mag pakalayo muna at hayaan na sila sa gagawin nila sa kriminal na ‘yon. You don’t owe him anything. Mas importante na walang mangyari sayong masama.”

Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Sinara ko ang mga kamao ko. Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang sapakin. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama. Binitawan niya naman ako.

“Anong ginawa mo?” Madiin kong tanong sa kanya.

“Drix… You have to understand. Ito lang ang paraan para mailigtas ka. Wala tayong laban sa kanila kaya nakipag-deal ako.”

“Deal? Anong deal?”

“Look, Drix. My priority is your safety. Wala akong choice kundi gawin ito. Sinabi ko sa kanila kung nasaan kayo kapalit ng kaligtasan mo. And here you are, with me– safe and sound. Hindi mo kailangan ibuwis ang buhay mo sa taong kamakailan mo lang nakilala. For what I know he’s not really innocent. Baka nga totoong kriminal pa siya.”

With a teary eye and bursting anger, I faced him. Pero bago pa man ako makapagsalita…


“And I did that because I like you!”


Parang saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko pa ay parang bigla akong naipit sa loob ng isang kahon na pumipigil sa ‘kin para gumalaw. Napalitan no’n ang galit na nararamdaman ko.

Siya naman ay parang naghahabol ng hininga. Para bang buong lakas ang ginamit niya para sabihin ang mga salitang ‘yon sa ‘kin.

“Tinatago ko lang dahil sa pakiusap ng Papa mo na ituring kitang nakababatang kapatid kaysa ligawan at mahalin. Pero hindi ko na kayang itago pa! Alam kong nasasaktan ka kapag tinu-turn down kita, and I can’t take that anymore. You deserve to know the truth about my feelings for you.”

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan niya ako sa mga mata. “Drix… hayaan mo na patunayan ko ang sarili ko sa ‘yo. Let’s move on from this. Pangako lahat gagawin ko para pasayahin ka.”

Parang binuklat na pahina ng mga libro na nag flashback sa isip ko ang lahat. Naalala ko ang mga pagkakataong napapahiya ang feelings ko kay Rave—na imbes na kiligin ako kapag nakakausap siya ay biglang napapalitan ng kirot. 

Then I remembered Finn– na kahit parang naiinis ako sa mga banat at hirit niya ay hindi ko maitatanggi na mas magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. And one thing is for sure… Rave was wrong about him. Oo, hindi ko pa lubos na kilala si Finn dahil kamakailan lang talaga kami nag kasama, pero nang inamin niyang dati pa ay binabantayan na niya ako—for me, he’s a hero. He was my silent protector. And I should save him no matter the cost.

Marahan kong hinawi ang mga kamay ni Rave at umiwas ako ng tingin. 

“You don’t have to prove anything, Rave… Malinaw na sa ‘kin ang lahat. Aaminin ko, dahil alam kong alam mo na– na may gusto ako sa ‘yo. And you know why? Kasi akala ko katulad ka ni Papa– na may strong sense of justice, at gagawin mo ang tama. Pero mali pala ako...” 

Tinignan ko siya nang diretso at may pang gigigil. “At ‘yong taong tinatawag mong kriminal? Inosente siya at alam ko ‘yon– kahit magkamatayan pa tayo! At sorry sa sasabihin ko… pero sa ginawa mo ngayon… mas ikaw pa ‘yong dapat na tawaging kriminal dahil pinabayaan mo ang isang inosente. Nakipagtulungan ka pa sa mga totoong kriminal.”

Hinintay ko kung may sasabihin pa siya, pero para siyang naging estatwa. Nakayuko lang siya at para bang di na makatingin sakin.

Ilang saglit pa, hinablot ko na ang susi ng kotse niya na nakasabit sa sinturon niya. “Hihiramin ko muna ang kotse mo. Dahil hindi gaya mo—ililigtas ko si Finn kahit maging kapalit pa ang buhay ko.”

Wala pa rin siyang imik. Pasensya na pero kailangan kong magmadali. Sa bawat oras na nasasayang mas nailalayo nila si Finn.

Pinaandar ko na ang sasakyan at agad na nag maneho. Sinilip ko si Rave mula sa side mirror. Hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya pero bigla siyang lumuhod sa lupa.

Parang may pumiga sa puso ko at tuluyang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Nasaktan pa rin ako sa mga sinabi ko sa kanya. Kahit ganito ang nangyari ay magkaibigan parin kami. May mga masasayang araw pa rin kami na pinagsamahan. Malaki pa rin ang naitulong niya sakin.

Pero sa ngayon… patawad… may ibang mas mahalagang bagay akong dapat gawin.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Tapos ay tinapakan ko ang acceleration ng sasakyan nang madiin.

“Finn… hintayin mo ko. Ako naman ang magliligtas sayo.”





FINN


THAT GUY sold us. Walang ibang rason kung bakit kasama ng Rave na ‘yon ang mga dumukot samin. Sabi ko na hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan. But if this means that Drixie is now safe– I guess I’m okay with it. I just have to plan my escape. Kailangan bago kami makarating sa kung saan man nila ako dadalhin ay makatakas na ko.

First, I gotta check their numbers.

Pumunta ako sa pinakaharap ng cargo ng closed van truck kung saan ko posibleng maririnig ang mga nasa driver at passenger seat. Tahimik lang sila. Pero naghintay ako.


 Pagkalipas ng halos isang oras, nag uusap na sila– nagtatawanan pa. Pinag uusapan nila kung anong gagawin nila sa pera na makukuha nila.


“Basta ako magbabakasyon ng isang buwan. Beer house, club, at casino para maranasan ko naman.” Dinig kong boses ng isang lalaki. Tatawagin ko siyang Goon A.

“One day millionaire, pre?” tanong ng isa pa, saka humalakhak. Siya naman si Goon B. “Ako ibibili ko ng bahay. Ganyan ang wais.”

“At sino naman sa mga babae mo ang ititira mo du’n? E, tatlo ‘yon?” Hirit ng isa pang boses– Goon C naman ito. Nagtatawanan sila at patuloy lang ang asaran at kwentuhan nila.

Ilang saglit pa, nakarinig ako ng police siren.

“Hoy, kayo na nasa truck! Itabi niyo ‘yan!”

Isang boses ng babae ang narinig ko. It sounded like it came from a megaphone. 

Drixie? Si Drixie ba ‘yon? I don’t know for sure. Nag iiba kasi ang boses kapag gumagamit ng megaphone. But no one else would try to save me– siya lang.

I’m half worried, half glad about this. Worried dahil ligtas na siya kanina pero heto na naman siya at nilalagay sa panganib ang buhay niya. Glad because she’s here for me. Damn it! Tinatamaan na yata talaga ako sa kanya.

Biglang huminto ang truck. Muntik pa kong matumba. I picked myself up and rushed to the door. Sinubukan kong pwersahan na buksan pero mukhang nakalock ito mula sa labas.

Ilang saglit pa nakarinig ako ng dalawang pagsara ng pinto ng kotse. Sunod ay may mga kalampag na parang may bumangga o nauntog sa truck. May sumigaw pa at kung ano-ano pang mga tunog at kalampag. Kung di ako nagkakamali mukhang may nangyayaring labanan sa labas. 

I’m getting more worried. Paano kung hindi kaya ni Drixie? I gotta get out of here– fast!

“Drixie!!” I screamed and kicked the door. Paulit-ulit kong sinipa kahit pa parang walang kwenta ang ginagawa ko. I have to try.

Ilang minuto pa, tila tumahimik sa labas. Huminto muna ako at nakiramdam sa paligid. Hanggang sa nadinig kong parang binubuksan na mula sa labas ang pinto ng truck. 

Sana si Drixie ang nagbubukas. Pero kung hindi, kahit sino o ilan pa sila– uunahan ko na siya.

Pagbukas ng pinto…

Isang lalaking matipuno ang pangangatawan ang tumambad sa ‘kin. Suot niya ay black long sleeve polo-shirt at khaki pants. I have never met this guy before. 

At dahil hindi si Drixie ang nakita ko… tumalon ako palabas ng truck at sinalubong ko siya ng suntok. Natamaan ko siya sa ulo.

"Who the hell are you?" I demanded, shifting into my boxing stance, fists up and ready.

He also shifted to his fighting stance right after checking his head.

“I’m your worst nightmare,” he replied.

Pinakiramdaman ko kung aatake siya. Pero habang hindi pa, sinuri ko siya. Mag kasing tangkad lang kami. Ibig sabihin tama lang ang distansya ko for offense and defense. We also have the same body build. But of course I’m hotter!

He suddenly went for two consecutive jabs. Lumiyad ako para ilagan ang mga ‘yon. Pero nasipa niya ako sa dibdib. Napaatras ako ng bahagya.,

Damn it! Those jabs were just to close our distance. He’s a trained fighter.  Pero saka ko na iisipin kung sino siya. I have to knock him out, make a run for it, and find Drixie.

I went on and attacked him. Binigyan ko siya ng mga suntok at sipa. Nailagan at nasalag niya ang mga ‘yon. Pero kapag bumabawi rin siya ng atake sakin– nakaka-ilag at nakakasalag din ako.

Crap! Our fighting skills are a match. Dealing with him like this is going to be a waste of time. I gotta change tactics.

I faked a move and darted to the side, driving my fist into his gut. I wanted to stay close, keep hammering him, but he shrugged off the pain like it was nothing. He stepped back just enough and slammed a kick into my chest. The force pushed us both—me colliding into a car's hood, him slamming against the truck's rear.

“I got it! I got her phone!” Isang babae ang biglang sumingit sa eksena. Mahaba ang buhok niya at may suot siyang salamin sa mata. Hawak niya ang phone ni Drixie. She seems… familiar.

“Kuya sino ‘yan? May kalaban pa?” tanong ng babae doon sa lalaking kasuntukan ko.

“Wala ‘yong friend mo sa loob ng truck. Itong ungas lang na ‘to ang nasa loob.”

Ungas? Just wait. I’m gonna show who you’re messing with.

“Who are you? Where’s Drixie? Wait, parang knows kita… Fox? Is that you?”

Now that I heard how she speaks, it reminded me of that near death experience. Iyong time na nasa kamay ng dalawang doctor quack quack ang buhay ko. It’s her! Hindi ako nagkakamali. My wound remembers it. Siya ‘yong kausap ni Drixie sa video call.

“And you’re her friend from the video call. I remember.” At dahil friend siya ni Drixie… I guess I can trust her. “I’m Finn.”

Lalapit sana ako para makipag kamay pero biglang humarang ‘yong lalaking kasama niya. “Hanggang diyan ka na lang.”

“Luh? Si Kuya parang sira.” She pushed him out of the way. “He’s good. He’s Drixie’s… I don’t know–whatever. But he’s good. Basta sabi ni besty innocent siya, I believe her. BTW, I’m Zella– Drixie’s best friend.”

Nakipag kamay siya sakin.

“Ito naman ang kuya Zild ko. Mabait naman ‘yan. Over protective lang.”

Nabaling ang atensyon ko sa bandang likuran ni Zild. Iyong tatlong goons kasi ni Mr. Kim nakahandusay na sa daan. If I’m not mistaken he did it single handedly. Who is this guy?

Tumango siya sakin at ganon din ako. That should do it. No need for any formalities.

“Ganon ganon lang ‘yon? Wala man lang…” sambit ni Zella tapos ay bigla niyang nilaliman ang boses niya. “Hey! I’m Finn and I’m Zild. Let’s shake hands. Beso beso–”

Bigla siyang binatukan ni Zild. Napangisi naman ako sa kanilang dalawa.

“Aw! Kuya naman! I’m fragile,” sambit uli ni Zella sa kuya niya saka bumaling sakin. “Sorry na dito sa kuya ko. NBI agent kasi siya.  And ang haba kasi ng travel namin para iligtas si Drixie, tsaka napalaban pa kami kanina. By the way, nasaan si Drixie? Bakit di kayo magkasama?”

That explains it– he’s an agent. Kaya pala magaling din siyang makipaglaban. The question is… can I trust him?

“Wala na dito si Drixie. Binaba siya kanina ng mga kumag na alagad ni Mr. Kim. And he’s with that guy named Rave.”

“Kasama niya na si Rave?!” Tila ba nasurpresa siya sa sinabi ko. Tapos ay kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa ng pants niya. “I’m going to call him.”

Lumayo samin si Zella. Gusto ko na sanang tumakas para hanapin si Drixie. Pero ang tulis ng tingin sakin ni Zild na para bang alam niya ang iniisip ko.

Ilang minuto pa, bumalik si Zella. “I can’t reach him. Naka-off yata ang phone niya.”

“Can you track him? He’s your friend, right?” tanong ni Zild.

“Hindi siya sa registered as my friend sa find my friend app ko, e.”

“Ah… e… p-paano niyo nga pala ako nahanap? Maybe you can do it again to find her?” Pag singit ko.

“I was tracking Drixie’s phone. Palagi kasi akong nag-aalala sa babaeng ‘yon kaya nilagyan ko noon pa ng tracking program ang phone niya. And take note, alam niyang ginawa ko ‘yon. Tapos, recently, may na-detect akong parang spy bug sa phone niya kaya kinutuban ako na baka may mangyaring masama sa kanya or what. And then, tama nga ang hinala ko– it was a program para i-monitor ang mga calls at chat ng isang phone. Hindi ko knows kung sino ang naglagay no’n. Kaya lang, zup! Sorry siya kasi may programmer na bestfriend ang biniktima niya kaya—tadaa! Deleted ang spy bug! Thanks to the one only… Zella!”


Napakunot-noo na lang ako. Medyo nakuha ko naman ang sinabi niya pero kakaiba talaga ‘tong si Zella.

“Ang ibig niyang sabihin—dahil natagpuan namin ang phone ni Drixie sa bulsa ng isa sa mga dumukot sa inyo kanina, wala na siyang ibang paraan para i-track ang bestfriend niya. Kuha mo?” sambit ni Zild.

Tumango ako. “Yep! Got it.”

“Let me think…” sambit naman ni Zella.

May naaninag akong gumalaw nang konte sa isa sa mga goons ni Mr. Kim. That's when it hit me—if any of them wake up, they'll alert their boss and let him know I’ve escaped. And since they have no idea where I am, they’ll definitely use Drixie as bait.

“I think I have a way to find her. We’re still in Baguio, right? Kailangan lang natin bumalik saglit sa safehouse ko. May device ako doon na makakatulong sa ‘tin.”


“Okay, let’s go. Operation saving Drixie starts!” masiglang sambit ni Zella at nagsimula kaming bumiyaheng tatlo sakay ng kotse nila.

I lied to them. Tingin ko mabuti naman silang tao pero hindi sila pwedeng madamay sa mangyayari. I’m just looking for a way to escape from them, grab my car, and save Drixie by myself. Malakas ang chance na si Drixie ay hawak na ngayon ni Mr. Kim. Sana hindi pa. Pero kung oo… handa akong isakripisyo ang sarili ko mailigtas lang siya
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly