DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 2

β˜†

5/13/2025

0 Comments

 
FINN

IT HAS been three years since I talked to them face to face. I missed them. Pero ayaw kong madamay sila sa nangyayari sa ‘kin. Ganon pa man, hindi ko pababayaan ang mga magulang ko. I will protect them no matter where I am.

A year and a half ago, I secretly infiltrated my parent’s home and planted a bug– an audio surveillance device. Para kahit papaano mabantayan ko sila at marinig ko ang boses nila. At dahil may nakakita sa ‘kin recently, I had to make sure that my parents were safe. 

Habang nandito ako sa isa sa mga safe house ko, pinakikinggan ko ang mga pangyayari sa bahay nila.

“Salamat sa pagbisita sa tahanan namin, Michelle. May balita ba sa anak ko? May nakakita daw sa kanya?” Dinig kong sambit ni Mama sa kabilang linya. 

Mukhang dumalaw ang lawyer ko na si Atty. Michelle Sanchez.

“Opo, Mrs. Extrella. Bumisita talaga ako para personal na ipaalam sa inyo ang bagong balita kay Finn.”

“Please, hija. Call me Tita. All these years… you’ve been a great help to us, sa kaso ni Finn. Kaya kaibigan ka na ng pamilya namin.”

“Salamat po. Napakabait niyo po talaga. Kahit wala pa po talaga akong naitutulong since hindi pa humaharap sa korte si Finn.”

“H’wag mong sabihin ‘yan. Kung wala ka, wala kaming balita sa mga bagay patungkol sa kanya. At alam kong nandiyan ka para sa ‘min kapag handa na ang anak ko na harapin ang kaso. Alam kong maipagtatanggol mo siya dahil inosente siya.”

“Thank you po. Nasaan po si Mr. Extrella– I mean si Tito po? Mas mabuti po kung marinig niyong dalawa ang balita.”

“Wala ang asawa ko. Umalis siya para hanapin ang anak namin. Kung dati ay naglalaan lang siya ng isang linggo sa loob ng isang buwan para hanapin si Finn, ngayon ay ginawa niya ng dalawa.”

Ang sakit pakinggan ng boses ni Mama. Dinig kong sobrang nalulungkot siya. 

“Paano po kayo? Nakakaya niyo po bang mag-isa?” Dinig kong tanong ni Atty. Sanchez.

May umubo at bumuntong hininga, si Mama siguro ‘yon. Is she sick? Sana hindi. Sana kahit ganito ang nangyayari– sana healthy pa rin siya.

“Kailangan kayanin. Ito lang ang maitutulong ko sa asawa ko para mas mapaigi niya ang paghahanap kay Finn. Paminsan naman ay binibisita ako ng anak kong babae.”

“Naiintindihan ko po. Base sa mga nasabi niyo, mukhang hindi pa rin po kayo kino-contact ni Finn. Tama po ba?” dinig kong tanong ni Atty. Sanchez kay Mama.

Then it was followed by a minute of silence…

“Lakasan niyo po ang loob niyo. Alam ko pong may rason si Finn kung bakit siya tumakbo noon at kung bakit hindi niya kayo kino-contact.” Boses ulit ni Atty. Sanchez.

“Tungkol po ulit kay Finn,” pagtuloy ni Atty. Sanchez. “Nabalitaan ko po na kahapon ay bumuo ng task force si Police Chief Francisco Reyes para sa isang manhunt operation sa kanya. May nakapag tip daw po kasi na nasa Clark Pampanga siya. Pero gaya ng mga nakaraang operation na nagtangkang hulihin ang anak niyo, wala po silang napala.”

“Kaso dahil po doon, Si Mr. Kim na ama ng dalawang sinasabing pinatay ni Finn– nagpatong ng karagdagang pabuya sa kung sinong makaka-pagturo o makakahuli sa anak niyo,” dagdag pa ni Atty. Sanchez. “Umabot na po ang bounty niya sa… 500,000 pesos.”

“Oh Finn! My boy! My sweet boy!” Dinig kong humagulgol si Mama sa pag-iyak.

To hear my mother cry gave me an unbearable pain in my heart. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko. Sobrang sikip sa dibdib.

Ma, I promise you… soon uuwi din ako. Mapapatunayan ko rin na inosente ako.





DRIXIE

WALANG masyadong clue tungkol sa target mula sa mga files na binigay ni Sarge sa ‘kin. Ang meron lang ay picture nito at mga lugar kung saan ito nakitang nakikipag-deal. Kadalasan sa mga bar siya nakikita. Pinuntahan ko na ang mga ‘yon pero dead-end naman. Wala rin siyang pangalan. Ang nakita kong isa pang pwedeng maging lead ay ‘yong alias nito– alyas Buto ang tawag sa kanya.

Isa sa mga advantage ko bilang hindi ako pulis ay ang kaalaman ko sa kalye. May mga alam ako at kilala ako na mga gumagawa ng kalokohan na makukuhaan ko ng lead. Because I can blend anywhere and with anyone. Hindi sa hinahayaan ko lang ‘yong mga kalokohan na sinasabi ko. Palihim ko naman silang sinusumbong pero karamihan sa kanila di naman hinuhuli ng mga awtoridad. Iyong iba nakakalaya lang. Huwag ko lang sila maging target dahil siguradong timbog sila.

Hating gabi, sa likod ng isang bar sa Maynila, naalala kong kakalaya lang ni Jason alyas Bokal. Sinumbong ko siya dati dahil sa pagiging tulak, pero heto na naman siya at nagbebenta na naman ng droga. 

Pagkatapos niyang magbenta sa isang lalaki, hinintay ko siyang dumaan sa pinagtataguan kong kanto ng gusali. Tapos ay bigla akong nagpakita sa kanya at ginulat siya.

“Huli ka!”

“Kyaaa!”

Tumili siya na parang babae. Di ko napigilang tumawa.

“Anak ng tipaklong naman, Drixie! Kala ko parak!”

Nakahawak pa siya sa dibdib niya at pawis na pawis ang mukha niya.

“Tsk, tsk, tsk wala kang pagbabago, Jason. Akala ko ‘di na kita mahuhuling nagtutulak. Gusto mo bang bumalik sa kulungan?” Umiiling-iling kong sambit.

“Correction, Drix, nagbebenta lang. Hindi nagtutulak. Tsaka last na ‘yon, promise!”

“Siraulo, parehas din ‘yon.”

Tumawa siya at nagkamot ulo. Nakuha pa niyang tumawa. 

“Gano’n ba? Di ko alam, eh.”  

Tapos ay mabilis niya kong tinalikuran at nagtangkang tumakas. Inasahan ko ng gagawin niya ‘yon kaya’t agad ko siyang hinawakan sa likod ng kwelyo ng damit niya.

Binigyan ko siya nang mabilis na sipa sa likod ng tuhod niya. Napaluhod siya. Agad kong kinuha ang taser ko mula sa bulsa at idinikit ko ito sa batok niya.

“Kamay sa sahig!” Utos ko. Sumunod naman siya. “Loko ka! Kilala mo naman kung sino ako– susubukan mo pang tumakas. No one escapes Drixie.”

Nanginginig na tumango-tango si Jason. “Yes, yes, boss Drixie! Sorry po, sorry po! Pakawalan niyo na ko. Huwag niyo po akong isusumbong sa mga pulis. Kakalaya ko lang, e.”

Ngumisi lang ako. “Don’t worry. If you help me, I’ll help you. Okay?”

“K-Kahit ano, boss Drix. Sabihin mo lang. Y-Your wish is my command.”

Ipinakita ko sa kanya ang picture ni alyas Buto. “Kilala mo ba ‘to? Saan ko siya makikita?”

“K-Kilala ko ‘yan! S-Si alyas Buto ‘yan! Kaso ‘di ko alam kung nasaan siya.”

Hindi ako naniwala kaya’t idiniin ko sa batok niya ang taser. “Talaga lang, ha? Baka gusto mo ng matulog ngayon?”

“Teka lang! Teka lang! Boss naman. Wait lang! Masakit ‘yan, e. Bibigyan naman kita ng impormasyon.” Halata sa tono ng boses niya ang kaba at takot.

“I’m waiting,” madiin kong sambit.

“Sa phone ko. May contact niya ‘ko. Dito sa bulsa.”

Maingat kong kinuha ang phone ni Jason mula sa bulsa ng pantalon niya– habang nakatutok pa rin sa batok niya ang taser. Pagkakuha ay agad kong tinignan kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Na kumpirma kong may alyas buto nga sa mga contact niya sa phone. Kinabisado ko ito. “Good. Ano pa alam mo?”

“W-Wala na talaga. Iyan lang talaga. Please, boss Drix. Patakasin mo na ‘ko. Di na talaga ako uulit.”

“Last na. Iyong ka-transaksyon mo kanina? Sino ‘yon?”

Hinampas ni Jason ang sahig. “Pambihira naman, oh! Pati ‘yon? Di mo naman target ‘yon, ‘di ba?!”

Muling kong diniinan ang pagtutok ng taser sa batok niya. “Sagot!”

Binigay niya sa ‘kin ang pangalan at iba pang impormasyon ng ka-transaksyon niya kanina. Ang masama do’n high school student pa pala.

Pinindot ko ang button ng taser. Nakuryente siya at nawalan ng malay.

“I said I’ll help you if you help me. Ito ang paraan para matulungan kita. Ang makulong ka ulit para itama ang mga mali mo,” sambit ko.

Sana lang this time mag tanda ka na.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Rave para i-report sa mga pulis ang nasaksihan kong ilegal. Pinasuyo ko na din ‘yong estudyante na katransaksyon ni Jason kanina– para mabigyan ng tulong na makaiwas na sa droga.









GAMIT ang mga nakuha kong lead mula kay Jason, kinabukasan ng hapon habang nasa bahay ako at nakaupo sa sofa, tinawagan ko sa sarili kong phone si alyas Buto.

This time, kailangan kong hindi maging si Drixie. Kailangan kong i-trap itong si alyas Buto.

“Hello, good afternoon! My name is Jenny, and I’m calling on behalf of the Night Bar Remedios Branch. I would like to inform you that your mobile number has won a free six buckets of beer and a pulutan of your choice. May we know if you are free tonight to claim it, so we can declare you as the winner?”

Dirediretso ang salita ko at masaya ang tono ko para maniwala siya. Palagi kasi siyang nakikita sa bar na ‘yon noon kaya’t naisip ko ito. Base din sa analyzation ko sa kanya, mahilig siyang uminom ng alak. Hindi siya makakatanggi sa fake offer ko.

“T-Talaga? Aba okay ‘yan, ah. Sige, I’ll be there later,” sagot niya sa kabilang linya.

Ayos! Ang bilis niyang kumagat sa patibong.

“Great! May I have your name, sir? For claiming process lang po.”

“Uhm uh… Ano… Charlie– Charlie Rodriguez.”

Nagdadalawang isip siya sa pagbibigay ng pangalan. Pag ganon– sigurado may tinatago. Malaki ang chance na ito nga ang target ko.

“Sige po. Maraming salamat, Mr. Rodriguez. See you later po around 10PM during happy hour,” nakangiti kong sambit. Pag hung up ko balik sa default face– serious look. Back to being Drixie.

Kakain dapat ako ng paborito kong pretzel sticks at manonood ng TV, nang biglang may tumawag sa phone ko. Ang pinsan kong si Lani.

“Hello?”


“Insan, si Lani ‘to. Pasensya ka na at napatawag ako. Wala na kasi akong ibang matatakbuhan, eh.”

“Okay lang. Ano bang nangyari?”

“Si Nanay kasi, Insan. Kailangan ng operahan sa sakit niya sa bato. Eh wala naman kaming ka pera pera dito. Baka meron ka diyan? Sige na, oh. Kahit magkano.”

Ang tinutukoy ng pinsan kong si Lani ay ang tiyahin ko na si Tiya Mering. Sa pamamahay noon nila kami nakatira ni Papa noong buhay pa siya at bata pa ako. Nag-abroad kasi si Mama at hindi na bumalik pa. Ang alam lang namin ay nag-asawa na siya ng iba. Si Aling Mering ang tumayong parang Nanay ko mula pa noong bata pa ko. Kaya kahit ano na maitutulong ko– gagawin ko para sa kanila.

“Sige. Magkano ba ang kailangan? Tutulong ako.”

“Mahigit apat na daang libo, insan. Baka raw umabot pa ng five hundred thousand. Pero kahit magkano, pwede na, basta masimulan lang maoperahan si Mama. Susubukan ko na lang gumawa ng paraan.”

Nagulat ako sa laki ng halaga na kailangan. Walang akong ganong kalaking pera. Pero hindi ko pwedeng hayaan ang pinsan ko. Dishwasher lang siya kaya’t mahihirapan talaga. Kakayanin siguro kung pagtutulungan namin.

“Sige. Walang akong ganon kalaki pero pagtulungan natin. Hahanap din ako ng paraan,” sagot ko.

“Salamat, insan. Pasensya na talaga. Wala na kong matakbuhan, eh.”

“Wala ‘yon. Kaya natin ‘yan.”

Pinarinig ko kay Lani na kumpyansa akong kaya namin pero hindi ko pa talaga alam kung saan ako kukuha ng ganong halaga. Siguro pagkatapos nitong misyon ko, titingin ako sa presinto ng mga wanted na tao. Baka merong may patong sa ulo na halagang five hundred thousand pesos.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly