DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 19

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


GUSTO kong pumalag at lumaban kanina. Pero nang tignan ko si Finn, umiling lang siya. Naisip ko na baka may plano siya kaya hinayaan ko nalang na maposasan kami at maisakay sa loob ng isang closed van truck.

Kaming dalawa lang ang nasa loob pero di namin malapitan ang isa’t isa. Ikinabit kasi sa maikling kadena ang mga posas namin sa magkabilang sulok ng truck. May ilaw naman pero nakatayo lang kami.

“Anong plano? Kumawala ka na kaya sa posas at kalagan mo rin ako? Kaya natin ‘yong tatlong ‘yon,” sambit ko.

Umiling si Finn. “It’s a double lock handcuffs. Hindi ‘to kaya ng lock pick.”

“Okay, pero ano ngang plano?”

“H-Hindi ko pa alam.”

Parang nag pintig ang mga tenga ko sa narinig ko. “Ha?! Akala ko naman may plano ka. Sana pala pumalag na lang tayo kanina.” 

Sinubukan kong pwersahan na kalagan ang sarili ko pero bigo ako. Nasaktan lang ang magkabila kong pulso. 

“Kaasar!” 

“Sorry… I just can’t risk you getting hurt,” bulong ni Finn. Pero di ko pinansin. Mas importante sakin na makawala kami sa posas.

“Kailangan natin mag-isip kung paano tayo tatakas dito hangga’t hindi pa tayo masyadong nakakalayo,” sambit ko.

Habang ako sinusubukan ang kahit ano– itong si Finn nakayuko at tahimik lang. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero parang nawalan na siya kaagad ng pag-asa.

“Finn, okay ka lang ba? Please don’t tell me na natatakot ka. Kaya natin ‘to! Tulungan mo lang ako umisip ng paraan. Kayang kaya natin ‘yong tatlong ‘yon.”

“Drixie… I’m sorry,” matamlay na sambit ni Finn.

“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. May naisip ako. Mag iingay ako at kunwari may nangyari sa ‘yo. Tapos pag nilapitan ka ng isa—susunggaban ko siya ng binti ko. Tapos—”

“Drixie it’s too late,” pagputol niya sakin. Marahan siyang umiling. “I’m sorry. Kasalanan ko ‘to. Hindi dapat kita hinayaang sumama sa ‘kin.”

“Finn, alam ko kung ano ang pinasok kong gulo. Kaya tigilan mo na muna ang drama mo at tulungan mo kong gumawa ng paraan. Hangga’t humihinga tayo may pag-asa pa, okay? Try mo kayang i-lock pick ang posas?”

Hindi siya natinag sa sinabi ko. Ano bang problema niya ngayon? Natatakot ba siya? That’s it! Inis na talaga ako.

“Finn Oliver Extrella!”

Para siyang biglang nagising. Natataranta pa siyang tumayo nang tuwid. “Yes ma’am!”

“Please… do something.” Tinignan ko siya na para bang sinasabi ko na siya na lang ang pag-asa namin.

Ilang saglit pa…

“With pleasure.”

Ngumiti na siya at kita ko na ulit ang mukha niyang may kumpyansa. 

“You really remind me of him. Yari talaga ako sa kanya nito sa kabilang buhay,” sambit pa niya habang nakatingin sakin.

“Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?”

“Baka ito na ang huli, Drixie. Kaya oras na rin para sabihin ko sayo ang totoo.”

“Totoo? Wait! Alam mo, Finn– hindi ko alam kung anong nangyayari sayo ngayon, kung bakit bigla kang naging ma-drama. Siguro natatakot ka. Oo, natatakot din ako sa pwedeng mangyari sa ‘tin pero hindi ito ang oras para do’n. Kailangan nating makawala dito.”

Huminga siya nang malalim. Tapos ay pinilit niyang abutin ang buckle ng sinturon niya hanggang sa makuha niya ang mga bobby pins at lock pick devices niya. “Hindi ko pa nasusubukan ang kumawala sa double lock handcuffs. Ang sabi mahirap daw. Pero– hindi imposible.”

Yes! Sa wakas. Mukhang nabuhayan na ulit siya ng loob.

“Buti naman nagbalik ka na. Parang nawala ka kanina, e. Para kang sinaniban na ewan.”

“Parang nawala nga ako sa sarili ko kanina at nadala ng takot. I was blaming myself. I’m sorry… but thanks to you– nagising ako. Kaso, ang problema, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin natin kapag nakawala tayo sa mga posas na ‘to,” sagot ni Finn habang sinusubukang tanggalin ang lock ng posas niya.

“Iisip ako ng paraan habang busy ka diyan.”

“No… I want you to listen to me. It’s time to tell you the truth. Just in case we don’t make it.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

Huminto siya saglit sa ginagawa niya at tinignan niya ako nang diretso.  “I lied to you, Drixie. Or rather—hindi ko sinabi ang lahat sa ‘yo. Ang totoo… kilala na kita noon pa, lalo na ang tatay mo.”

Nanlaki ang mga mata ko. Pati na rin mga buhok ko sa braso nag tayuan. “A-Anong ibig mong sabihin? K-Kilala mo ko at s-si Papa?”

Nakapikit siyang tumango.  “Ang Papa mo ay isang mabuting kaibigan. Ang totoo niyan—nang malaman niyang si Fox at ako ay iisa—nagpakilala siya sa akin bilang ang inside informant ko sa presinto… na si Croc.”

Para bang na-stuck ang mga panga ko. May kaunting luha pa ang lumabas sa mga mata ko. Nanginginig ang mga labi ko. Kinikilabutan ako. Naalala ko si Papa– ang mga ngiti niya, pangaral niya, at mga masasaya naming sandali. Naalala ko rin na noon napaka matulungin ni Papa. Kaya’t hindi imposible na tinulungan niya si Finn.

“Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Ayoko kasing isipin mo na nakipagtulungan ang Tatay mo sa isang puganteng katulad ko. Lalo na’t alam ko na wala ka pang tiwala sa ‘kin noon. At ang totoo talaga niyan– may balak akong iwanan ka… dahil ayokong malagay ka sa ganitong sitwasyon.”

Biglang nag pintig ang mga tenga ko sa narinig ko. Kung kanina natutuwa ako– ngayon parang uminit ang ulo ko. Sinubukan kong magpumiglas sa posas. Gusto ko siyang sugurin. Sinubukan ko siyang abutin ng paa ko pero sadyang malayo siya sakin.

“Iwanan?! Pasalamat ka nakaposas ako dito kundi sasapakin talaga kita! Ngayon pa?! Ngayon pang nalaman ko na tinutulungan ka pala ni Papa dati. Ibig sabihin lang non dapat ay tulungan din kita. Para kay Papa!”

“Whoa, whoa, easy there, lioness. Katulad nga ng sabi mo may bagay pa tayong mas dapat intindihin kaysa sa pagsapak mo sa ‘kin, di ba? Itutuloy ko na tong pagtanggal ng posas natin para makaalis na tayo dito,” sambit ni Finn at muli niyang kinalikot ng lock pick ang posas.

“Good.”

Kumalma na muna ako at pinagmasdan lang siya. Pero mamaya siya sakin. Anong sinasabi niyang iiwanan niya ko? Di ako papayag. Magkasama namin dapat harapin lahat ng ito hanggang sa dulo.

Hindi ako nagkamali. Mabuti at inosente talaga itong si Finn. Kahit madalas ay parang puro kalokohan lang alam niya. Siguro—kung nasaan man si Papa ngayon-- siya ang gumawa ng way para magkakilala kami.

“Oh bakit ka nakangiti diyan? Hindi pa tayo ligtas,” bigla niyang sambit. Nginitian pa niya ako.

Para bang natauhan ako bigla. Marahan akong umiling. Pero ngayon hindi ako nainis o umangal sa kanya. Nanatili akong nakangiti.

“Masaya lang ako kahit nasa ganito tayong sitwasyon ngayon. Para bang tadhana kasi na mangyari ‘to. Na magkakilala tayo. Para ituloy ko ang nasimulan ng Papa ko.”

Bigla siyang umiwas ng tingin. “Um– Ano… um–ah…” Tapos ay tumikhim siya. “I mean… Manang mana ka talaga sa Papa mo. Pero teka—akala ko ba ‘di ka naniniwala sa tadhana?”

“Huh? Parang wala naman akong sinabing ganyan mula nung magkasama tayo. Pero paano mo nalaman? At saka ‘yong sa pretzel! Sa Grocery! Paano mo nalaman na ‘yon ang hinahanap ko? Imposibleng hinulaan mo lang ‘yon.”

“Okay, okay. I guess… I owe you an explanation and a confession…”






FINN


TWO YEARS AGO


IT FELT like my entire world shattered before my eyes. Gaston Cortez—known to me as Croc—the friend who had been by my side since the beginning, was gone. A car accident took him away, leaving nothing but the hollow ache of his absence. Palihim akong pumunta sa libing niya. Sinadya ko na magpahuli sa oras para kapag lumapit ako ay wala na ang ibang mga bisita o nakikilibing na pwedeng makakilala sakin. Pero pagdating ko—isang naka-itim na babae ang naroon pa na tila nagpaiwan. I believed she’s Croc’s daughter. The one he mentioned to me before. 

I watched her from afar. Waited for her to go. But she sat in front of his grave and cried– again and again until dark. Naging saksi ako sa bawat paghikbi at pagluha niya. Gusto ko siyang lapitan para sana i-comfort man lang. O kaya ay sabihin sa kanya na magiging maayos din ang lahat. Pero wala akong lakas ng loob gawin ‘yon dahil hindi naman niya ako kilala. Isa pa, mukhang pinili niya munang mapag-isa.

Dama ko ang sakit na nararanasan niya ngayon dahil parang parehas kami ng pinagdaraanan. Pero buhay pa ang mga magulang ko kaya alam ko na mas nasasaktan siya ngayon. Mas nahihirapan siya. From there I decided to secretly watch over her, keep her safe, and make sure she can live on her own.

“Croc… I’m doing this for you. I’ll protect her no matter what.”





As time went by, I found out that her name is Drixie. She’s three years younger than me. She loves pretzel sticks, bird watching, and going to a boxing gym. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng training ang ginagawa niya dahil di na ako pumapasok sa loob.

A month after her father died, she quit being a policewoman. She decided to put up her own office and became a private investigator. At dahil hindi pa sikat ang agency niya, wala siyang naging kliyente sa mga unang araw. Then one day, she went to a police station. At kahit delikado para sakin, sinundan ko pa rin siya at inabangan lumabas doon habang nasa loob ako ng sasakyan.

“Ano ba ‘tong ginagawa ko? Pag nahuli niya akong sumusunod sa kanya baka isipin niya stalker ako. Bakit ba kasi bigla siyang pumunta dito sa police station? At bakit siya naging private investigator? Pwede namang artista na lang o kaya sa opisina. O kaya naman ay magtinda ng pretzel o mag alaga ng ibon?”

Ilang minuto pa ay lumabas mula sa presinto si Drixie. Napansin kong may dala siyang wanted poster. Mukhang mag aala-bounty hunter siya habang wala pa siyang kliyente.

Sumakay siya sa motorbike niya. Agad naman akong nag maneho at sumunod. Sinugurado kong sapat lang ang distansya ko para hindi niya mahalata.

Maghapon ko siyang sinundan. Kung saan-saang lugar siya nakarating kakahanap sa wanted target niya. Nahihirapan siya. Gusto ko siyang tulungan pero mas mapapanatag ako kapag nag quit siya at pumuli na lang ng mas ligtas na trabaho.


Inabot siya ng gabi pero bigo siya. Nalungkot ako para sa kanya. Nakaupo na lang siya ngayon sa isang bus stop at parang malalim ang iniisip. Nakabantay pa rin ako sa kanya sa loob ng kotse ko na nasa kabilang side ng kalye.

“Okay lang ‘yan kung bigo ka ngayon. Bawi ka siguro bukas? O kaya wag nalang ‘yan ang work mo. Para safe ka. Alam ko ‘yon ang gusto ng Papa mo para sa ‘yo—ang siguraduhing ligtas ka,” sambit ko na kunwari ay kausap ko siya.

Ilang saglit pa—isang kotse ang pumarada sa harap ni Drixie at isang lalaki ang lumabas mula doon. Masama ang kutob ko dito. Baka pagti-trip-an niya si Drixie.

Lumabas ako ng sasakyan at tumawid. Nagkunwari akong tumitingin ng damit sa labas ng isang clothing store na malapit sa bus stop kung nasaan si Drixie.

Napatayo si Drixie at kinausap ang lalaki. “Detective? I mean, Rave! Bakit nandito ka?” 

“Napadaan lang talaga ako at nakita kita. Kamusta nahanap mo ba ‘yong target mo?”

“Uhm… n-nahirapan ako at wala akong napala. Negative ‘yong mga lead sa kanya. Kaya pauwi na ako ngayon.”

“Mahirap talaga maging private investigator at maghanap ng mga wanted na tao. Lalo na’t karamihan ng mga yan ay ‘yong mga hindi mahuli-huli ng pulis. Bakit hindi ka na lang kasi maging pulis ulit? Pag nagtagal ka i-re-refer kita para maging detective. Mas maganda ang career mo sa ganong profession at magagamit din namin ang talino mo sa mga unsolved cases.”
Umiling si Drixie. “Gusto ko talaga ‘to noon pa. May tiwala rin si Papa na magagawa ko ‘to. Ang sabi niya pa– masasabi lang natin na panalo tayo sa buhay kung nagawa natin ang mga gusto nating mga bagay kahit pa mahirap itong abutin.”


“Isa din ‘yan sa mga kasabihang nagustuhan ko mula kay Chief,” nakangiting sambit ng lalaki.“Oh siya, kung desedido ka talaga diyan sa pinasok mo pag-igihan mo na lang at mag iingat ka palagi. Subukan mo ulit pumunta kay Sarge bukas. Baka may iba pa siyang impormasyon diyan sa target mo.” 

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at kakilala niya. Mukhang nag overthink ako do’n. Ang hirap iwasan dahil maganda si Drixie. Alam kong maraming magkaka-interes sa kanya pati mga lalaking marurumi mag-isip. Pero mukhang seryoso siya sa pinasok niya. Wala na akong magagawa. Siguro tutulungan ko na lang siya para mas masigurado kong magiging ligtas siya at makakaya niya. 
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly