DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 17

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN



KINAUSAP ni Drixie sa phone ang sinasabi niyang detective na si Rave. She told him everything about the case– at least everything that I told her.

“I don’t know, Drix. Wala akong tiwala sa taong kasama mo ngayon. Nasaan ka? Susunduin kita ngayon,” sambit ni Rave sa kabilang linya. 

Nag pintig agad ang mga tenga ko sa narinig ko.

“For the record, dude. Ako ‘yong walang tiwala sa ‘yo,” pag singit ko. Then I turned to Drixie. “C’mon, Drix? Kung sino man ‘yang lalaki na ‘yan we don’t need him.”

“Drix naka-speaker ba ko? Akala ko tayong dalawa lang ang nag-uusap?” sabat naman ni Rave.

She signaled me to be quiet by placing her fore finger in her lips. Tapos ay nagpatuloy siyang kausapin si Rave.

“Case niya kasi ‘to kaya pinaririnig ko sa kanya ang pag-uusap natin. Tsaka kinailangan ko siyang pilitin para lang humingi ng tulong sa ‘yo. Ito ang kundisyon niya.”

“At tingin ko dapat hindi nga ako pumayag,” singit ko ulit. I don’t know why but I already hate him.

“Wait lang, Rave,” sambit ni Drixie at pinindot niya ang mute button sa phone saka bumaling sakin. “Napag usapan na natin ‘to, ‘di ba? Kailangan natin siya. Siya lang ang kilala kong makakapag-imbestiga sa loob ng presinto para sa kaso mo. Please, magtiwala ka lang.”

Hindi na ako sumagot. Nawala na rin naman ang inis ko nang makita ko ang mga mata niya. I saw the determination in her eyes. Wala naman siyang mapapala para tulungan ako pero heto siya tila binubuhos ang lahat. If she trusts him, then I have to do the same.

She went back to speaking with Rave on the phone. “Please, Rave. Maniwala at magtiwala ka sa ‘kin. May tiwala ako kay Finn at alam kong inosente siya.”

I can’t help but smile. Bahagya pang nag-iinit ang mga pisngi ko. Ang sarap pakinggan na may tiwala siya sakin.

“Loko-loko lang talaga siya pero naniniwala ako sa kanya,” biglang dagdag ni Drixie.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ng pagkunot-noo. What the heck? Parang nabatukan ako do’n, a.

There was a long pause between Drixie and Rave. After a while, we heard him let out a sigh.

“Okay sige. So—base sa kwento mo, kailangan niyo ko na i-review ang kaso, suriin ang mga ebidensya at tanungin ulit ang key witness,” sambit ni Rave. “I can do that but on one condition…”

“Anything,” mabilis na sagot ni Drixie.

Hindi siya nagdalawang isip. Napapahanga niya talaga ako nang sobra ngayon. Ganito ba talaga siya? Matulungin sa kahit na sinong nangangailangan? O baka naman espesyal ako sa kanya? Jeez! What am I telling myself?

“Share mo sa ‘kin ang code mo sa Find My Friend App para nakikita ko kung nasaan ka. I want to make sure that you’re safe. Tsaka susunduin kita diyan pagkatapos kong mag-imbestiga.”

Nakita kong napangiti si Drixie. Pero bigla siyang umubo at umiling. Parang pinilit niyang mawala ‘yong ngiti niya.

“Ha? F-Find My Friend App? W-Wala pa ako no’n. Pero sige mag da-download ako. Icha-chat ko sa ‘yo ang code ko.”

Natataranta pa siya. Anong ibig sabihin nito?

I crossed my arms and frowned. 

Hindi maganda kutob ko sa pag-uusap nila. Nakwento naman niya na lahat at nasabi niya na lahat ng kailangan. Dapat mag end na ang call nila. 

“Sige. I’ll work on the case. I’ll see you soon," Sambit ni Rave.

“O-Okay. Thanks, Rave.”

Buti naman tapos na. Akala ko kung ano pang sasabihin niya kay Drixie.

Pagkatapos ng call nila, napansin kong nawala ang ngiti ni Drixie. Napayuko siya ng bahagya at nanahimik na parang may iniisip.

Ano kayang problema? Ano bang relasyon nila? Mag-ex ba sila? Gusto ba siya ni Drixie? Hindi ako mapakali. I have to know.

She let out a long exhale. “Okay, may detective na tayo. May naisip pa ako.”

Papunta siya sa investigation board namin pero pinigilan ko muna siya. 

“Wait, Drixie! Sigurado ka ba talaga sa kanya? Na tutulungan niya tayo? I mean is he just really your friend? Baka hindi lang kayo basta friends?”

Kunot-noo siyang tumingin sakin.

“Ang ibig kong sabihin—k-kung kilala mo ba talaga siya? Gano’n! Gano’n lang,” natataranta kong sambit.

“We’re friends, okay! May tiwala ako sa kanya. That’s all.”

“Okay,” I replied. But I’m not convinced. I think she likes him. Ano bang itsura ng Rave na ‘yon? Siguro naman mas gwapo ako do’n. What am I thinking? Back to work. I need to focus.

Pumunta si Drixie sa harap ng investigation board at sumunod naman ako.

“Ngayon, kailangan naman natin ng mga kakampi sa presinto. Para kung anong matuklasan ni Rave may witness tayo at para na rin may back-up siya kung sakaling malaman ni Mr. Kim na nag iimbestiga siya,” sambit ni Drixie.

“Hindi ako sigurado diyan sa balak mo, Drixie. Maraming mga pulis ang bayaran ni Mr. Kim. I can’t risk it.”

“Don’t worry. Mga piling tao lang ang pagsasabihan natin. Mga taong kilalang kilala ko. Una sa listahan si Zella. Baka may makita siyang makakatulong sa ‘yo gamit ang computer skills niya. Tapos…” Drixie crossed her arms. “Gusto ko sanang hingin din ang tulong ni Chief Reyes para mas malakas ang laban natin. Kaso… matindi ang galit sa ‘yo no’n.”

Napakunot-noo ako. “Bakit naman siya galit sa ‘kin?”

She shrugged.  “Hindi ko alam. Ang sabi lang niya—lagi mo siyang natatakasan. Baka dahil do’n?”

“I think…” Kumuha ako ng piraso ng papel at marker. Tapos ay gumuhit ako ng silhouette ng tao at nilagyan ko ito ng label na Chief Reyes. Idinikit ko ito sa investigation board at itinabi kay Mr. Kim bilang isa sa mga suspected mastermind. “Hindi natin alam kung bakit talaga siya galit sa ‘kin. Kaya pwedeng may kinalaman siya sa pagpa-frame up sa ‘kin.”

She pursed her lips. “Hmm.. Improving ang drawing.”

Nginitian ko siya at kinindatan. “Told ya. Minadali ko lang naman ‘yong mga stickman.”

She raised a brow.  “Sabi ko improving. Hindi ko sinabing maganda. Kindat-kindat ka pa.”

Another one! Parang nabatukan na naman ako. Pahiya na naman.

“Can we focus?”

Tumawa siya nang konte saka muling nag seryoso. “Okay– Mabait naman sa ‘kin si Chief pero hindi ko masasabi na kilalang kilala ko siya bukod sa dati silang mag partner ni Papa. Sasabihan ko si Rave na imbestigahan din siya.”

“Okay. Pero may itatanong sana ako.”

“Ano ‘yon?”

“Bakit ‘di mo sinabi sa Rave na ‘yon na inatake tayo ng mga tauhan ni Mr. Kim?”

Hindi kaagad nakasagot si Drixie. Yumuko lang siya na para bang may iniisip. Oh crap! Did I make her sad?

After a few seconds, she let out a long exhale.

“Tinuturing niya kasi akong kapatid niya dahil mentor niya dati ang Papa ko. Kapag nalaman niyang may barilan ng involve, alam ko na ire-report ka niya sa mga pulis. At pupuntahan niya tayo dito. Iyon lang—‘yon lang ang rason kung bakit nag-aalala siya sa ‘kin.”

Naramdaman ko sa tono ng pananalita niya na parang dismayado siya. It seems that my hunch was correct. She likes him but he doesn’t like her back. I don’t understand. What’s not to like about her? Walang kwentang lalaki. Hindi niya alam kung ano sinayang niya.

“Um—let’s go back. Ang mabuti pa mag-isip pa tayo ng paraan?” I suggested.

Tumango naman siya at muling tumingin sa investigation board namin.

I’m not entirely sure what’s between Drixie and Rave, but I know for sure that she’s sad about it. And I don’t like it. She deserves to be happy– always.





RAVE


PALIHIM kong nilikom at sinuri ang mga ebidensya sa kaso ni Fox. Pero di nag bunga ang mga ginawa ko. Lahat kasi ng ebidensya ay matibay na na-doktor o na-peke ng kung sino at hindi ko madiskubre kung paano ito nangyari. Ang sunod kong hakbang ay imbestigahan ang sinasabing key witness sa kaso. Siya ang nagturo kay Fox bilang suspect– si Mr. James Armas.

Napag-alaman ko na isa siyang hired bodyguard ni Mr. Kim. Kaya naman pumunta ako sa executive subdivision kung saan tingin ko binabantayan niya ang boss niya. Nagpark ako sa kalayuan– mga dalawang mansion ang agwat mula sa mansion ni Mr. Kim. Maghapon akong naghintay sa loob ng kotse gamit ang binoculars para makita ko kung lalabas si Mr. Armas mula doon.

Inabot din ng alas onse ng gabi bago ko nakitang lumabas si Mr. Armas. Nagmaneho siya ng isang itim na sedan. Sinundan ko siya hanggang sa makarating at pumasok siya sa isang billiard and resto bar.

Parang pamilyar ang lugar na ‘to. Nakita ko na ‘to noon. Hindi ko lang maalala kung kailan at bakit.

Tinawagan ko si Zella para i-check sa system namin ang lugar na pinasukan ni Mr. Armas.

“Hello, Zella. Paki run naman sa system ito…” Binigay ko ang pangalan ng  establishment.

“Copy that. Give me a sec,” sagot ni Zella sa kabilang linya.

Matapos ang ilang minuto…

“I got it, detective. It’s owned by Mr. James Armas. Napasara dati ang establishment na ‘yan due to a secret illegal gambling room. Bakit kaya bukas pa rin sila?”

Sabi ko na! Ako mismo noon ang nakahuli sa bar na ‘to 2 years ago. At siya pa pala ang may-ari. Talamak talaga ang kurapsyon pati sa mga ganitong negosyo. Paanong nakapag operate ulit ‘to? Pero saka ko na iisipin ‘yon. Sigurado akong nasa secret room si Mr. Armas kaya siya pumunta dito. Kailangan kong pumasok

“Okay, ako ng bahala, Zella. Maraming salamat.”

“Okay, detective. Gusto mo bang tumawag ako ng back up mo?”

“No thanks, Zella. Kaya ko na ‘to.”

Binaba ko na ang tawag at muling bumaling sa Billiard and Resto Bar.

Paano ko nga ba papasukin ng malinis ‘to? 

Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso sa loob ng bar. Hinarang ako ng bouncer pero pinakitaan ko siya ng police badge. Sapat na ‘yon para malaman niyang pulis ako kahit naka-civilian lang ang bihis ko– black leather jacket over a red shirt and blue jeans pants.

“Nasaan ang boss mo?” tanong ko sa maskuladong seven footer na bouncer.

Tinignan niya lang ako nang masama. Pero di ako nagpasindak kahit pa mas malaki siya sakin. Matapang ko rin siyang tinignan.

Hindi siya sumagot at nagsimula lang lumakad. Sinundan ko siya hanggang sa mahatid niya ako sa isang pader na natatakpan ng kulay pulang kurtina. Hinawi niya ang kurtina kung saan may pinto pala na gawa sa bakal. Pagbukas niya ng pintuan, tumambad sakin ang isang maliit na sugalan na may mga table para sa mga larong baraha. Marami ang mga nagsusugal. Ang bilang ko ay sampung table at lahat ‘yon may mga naglalaro.

Tinuro ng bouncer ang isang maliit na kwartong gawa sa salamin. Natanaw ko doon si Mr. Armas na nagbibilang ng pera. Pinuntahan at pinasok ko ‘yon.

“Anong kailangan mo, parak? Kaka-bayad lang namin last week, a,” sambit sakin ni Mr. Armas.

Mabilis kong naisip na kaya pala patuloy pa rin ang operasyon ng bar na ‘to ay dahil nagbabayad sila sa mga pulis. Alam kaya ni Chief ‘to?

Nagkunwari akong nandito para maningil ng lagay. “Tumaas na ang lagay, pre. Kailangan daw ng dagdag na 10%.”

“Pambihira! Bakit daw? Anak ng putakte naman ‘yan! Wala naman sinabi sakin si Mr. Kim.”

“Relax, pre. Hindi pa naman daw ngayon. Pwede naman next week. Pinapasabi lang sa inyo,” nakangisi kong sambit.

Mukhang involve din si Mr. Kim sa kalakaran na ‘to.

Umupo ako sa upuan sa harap ng desk niya. Sumandal ako at tinaas ko pa ang mga paa ko sa desk. Paraan ko ito para makita niyang kumportable ako at walang tinatago. Pero ang totoo para ‘to sa mga susunod kong tanong sa kanya.

“Buti naman,” sagot niya. “Bago ka, a. Parang ngayon lang kita nakita. Ano nangyari do’n sa isa?”

Hindi ko alam ang sasagot kaya ginawan ko nalang ng paraan.

“Wag mo na itanong, pre. Basta parehas lang tayong nautusan ng mga boss natin. Ikaw naman pre… parang pamilyar ka sakin? Na-aresto na ba kita dati?”

Humalakhak siya. “Sigurado. Pero lagi niyo naman ako pinakakawalan e.”

Kunwari akong nakitawa. Tumayo ako nang tuwid at kunwaring tinitigan ko siya. “Hindi aresto ang naaalala ko sayo pre. Kilala kita, e. Nasa dulo ng dila ko.”

“Baka may kamukha akong artisa?” Tumawa na naman siya at nagpatuloy sa pagbibilang ng pera.

Artista? Patawa. Kung meron man sigurado mga goons sa action movie.

“Pwede, pwede. Pero hinde, e. Teka… Ikaw ba ‘yong key witness doon sa kaso ng mga anak ni Mr. Kim?”

“Oo, ako ‘yon,” sagot niya at tumawa siya ng konte. “Kaya promoted na ako ni Mr. Kim.”

“Sabi na, e. Noong bago palang akong pulis sinusundan ko istorya no’n. Ano nga ulit nangyari do’n? Tindi ng Fox na ‘yon.”

“Notorious talaga ‘yong Fox na ‘yon.” Humalakhak siya ulit. “Kaso medyo limot ko na.”

Imposibleng makalimutan niya ‘yon kung talagang nasaksihan niya ang nangyari. Kailangan ko pa siyang pigain.

“Teka ang natatandaan kong sabi mo no’n. Nakita mong sinunog niya yung dalawang magkapatid. Nung nakita ka niya– tumakbo na siya. Ibang klase ka, pre. Nasindak mo pala si Fox,” sambit ko.

“Gano’n na nga nangyari. Matalino si Fox para takbuhan ako. Kung nagkataon tumba sakin ‘yong taong ‘yon,” sagot niya atsaka tumawa ulit.

Kunwari akong nakitawa rin.

Huli ka! Ang sinabi mo noon binaril ni Fox si Lester Kim at sinunog niya si Baron Kim. Mukhang totoo ngang napeke ang mga ebidensya. Pati ang key witness nag sinungaling. 

“Pano alis na ko. Kailangan ko pang sabihan ‘yong ibang naglalagay,” paalam ko sabay tumayo na.

Hindi naman niya ko pinigilan. Dirediretso rin akong nakalabas ng bar at nakabalik sa sasakyan. Ngayon naman para mahinto ang gawain nilang di maganda, tatawag ako ng back up at warrant. Ipapa-raid ko sila para makulong. Hindi pwedeng baliwalain ko lang ang mga nakita ko sa loob.




SUMUNOD na araw, tinawagan ko si Drixie para ibalita ang mga nadiskubre ko. 

“Drix, tama ka. Mukhang na-frame up nga ‘yang si Fox. Nagsinungaling lang ang key witness sa kaso niya. Ang mabuti pa pumunta na kayo sa presinto at humarap sa korte. Magaling na lawyer lang ang kailangan at posible na maabsuwelto ‘yan si Fox.”

“Hindi pwede. May banta kay Finn at sa pamilya niya. Pwedeng may mamatay kapag nagpadalos-dalos tayo dito. Kailangan pa rin nating malaman kung sino ang nagpa-frame up sa kanya,” sagot ni Drixie sa kabilang linya. “Kailangan sana natin ng mas matibay na ebidensya.”

“Palagay ko walang makukuha sa witness na ‘yon. Tauhan siya ni Mr. Kim kaya posibleng ang boss niya lang ang nag-utos sa kanya. Si Mr. Kim ang dapat imbestigahan.”

“Tingin ko rin ganon. Kaya mo ba siyang imbestigahan?”

“Titignan ko. Bigyan mo ko ng konting panahon.”

“Sige. Thanks, Rave. Sa ngayon magpa-plano muna kami kung saan namin hahanapin si Baron Kim.”

Sa tuwing naiisip kong magkasama sila nag seselos ako. Kailangan gumawa ako ng paraan.

“Tungkol diyan… pwede bang hintayin mo na lang muna ang resulta ng imbestigasyon ko? Ayoko sanang pumupunta ka kung saan-saan na kasama ang lalaking ‘yan.”

“Bakit naman?”

“B-Basta. Baka hindi safe.  Mag tiwala ka lang, okay?” sagot ko. 

Kagabi pa ko binabagabag ng isip ko. Paano kung magkatabi sila sa kama matulog? Paano kung masaya silang magkasama? Kailangan magawa ko na ang dapat na mga gagawin ko dito at puntahan sila sa lalong madaling panahon.

“Okay.”

“Okay. Papasok na ko sa trabaho. I’ll see you soon.”

Pagbaba ko ng tawag, lumabas na ako ng bahay para sumakay ng kotse ko na naka-park sa tapat. Pero paglabas ko… nakita kong naka-abang si Mr. Armas at may kasama itong limang lalaki.

Bubunot sana ako ng baril pero pinakitaan din nila ako ng baril sa ilalim ng suot nilang black suit.

“Good morning, detective. Gusto kang makausap ni boss.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly