DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 14

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


GUSTO kong manuntok ng tao! Nakaka-asar! Nakaka-inis! Siningil kami ng additional charges ng love hotel kanina pag check out namin. Dahil daw sa bed sheet na namantsahan ng dugo. Pero hindi naman ‘yong nagastos ang problema. Kung makatingin at makangiti kasi ‘yong staff samin parang puro kalokohan ang nasa isip. Sigurado iniisip ng taong ‘yon na may nangyaring first time samin kaya may dugo sa kama. Iyong ano! Basta! Maruming mga bagay!

“Um… Drixie? Okay ka lang? P-Parang masama yata ang timpla mo? Hindi mo naman ako dadalhin sa presinto, ‘di ba?”

Isa pa ‘tong Finn na ‘to. Kung umalis lang kasi kami agad kanina doon– di na siguro ako nakapag isip ng kung ano-ano.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.

“Drixie? Hello? Drixie? Drixie to earth? Do you copy?”

Ugh! Ang kulit talaga niya. Mas lalo akong naiinis dahil gutom na rin ako.

“Tumigil ka muna pwede?! Nagugutom na ko! Kung sumakay ka na kasi kaagad kanina pagka-check out natin– e ‘di sana nakabili na tayo ng pagkain ngayon!”

Ano ba kasing ginawa niya doon sa reception ng hotel kanina? Bakit di siya kaagad sumakay sa kotse? Akala ko ba nag iingat siya na baka may makakilala sa kanya? Dahil ba may magandang receptionist ng hotel? Napaka-playboy talaga.

“S-Sorry. Tatahimik na po, boss ko,” sambit niya. Tapos ay bumulong pa siya, “Kaya naman pala inis. Gutom na pala ang leon.”

Tinignan ko siya nang masama saglit. “May sinasabi ka ba?”

“W-Wala po, bossing ko.”

Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Saan ba may Pizza Resto dito? Kailangan ko ng pizza para mawala ang inis ko at makapag isip na rin ng maayos.

Ilang minuto pa, napansin kong tahimik si Finn. Kaya naman pala niya manahimik. Sinulyapan ko siya. Mukha siyang tanga na nakatitig habang nakangiti sakin. Anong nahigop nitong taong ‘to?

“Hoy! Anong tinitingin-tingin mo dyan? Nasiraan ka na ng baet?”

Agad siyang umiling nang mabilis. “W-Wala. Ano… Um… Nagtataka lang ako kasi ano—kasi sabi mo nagugutom ka na pero ‘di tayo humihinto para bumili ng pagkain.”

“Naghahanap ako ng pizza,” masungit kong sagot.

“Aah… ‘yon pala. Pizza pala. Ah sige pizza. Masarap ang pizza.”

Napakunot-noo lang ako. Bakit parang ang weird ng kinikilos niya? Hindi kaya dahil sa sugat niya? Side effect ng gamot?

Ilang minutong katahimikan ulit ang binigay niya sakin. Hanggang sa nag clear siya ng throat niya.

“Nga pala. Sorry kung natagalan ako sa reception kanina. I figured that might be the reason why you’re angry right now. Kaya I think kailangan ko mag explain.”

Explain? Bakit kailangan ko ng explanation? E ano naman sakin kung nakipag landian pa siya sa receptionist ng hotel. Kung gusto niya doon na siya tumira. Anong sasabihin niya dahil nagandahan siya doon sa babae? Kinuha niya ‘yong number? Wala akong paki-alam!

Hindi ako sumagot at hinintay lang ang sasabihin pa niya.

“Nireklamo ko kasi ‘yong staff na nag-assist satin kanina. I don’t like how he smiled and looked at you when he said we need to pay extra for the blood stain on the bed sheet. Hindi ko agad na-gets noong una, but then he congratulated me. Doon ko naisip na may kabastusan siyang naisip at pinahalata niya pa. I don’t like it.”

Sinulyapan ko siya saglit. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Pero napansin kong nakabilog ang mga kamao niya.

“I wanted to hit him. Dahil feeling ko binastos ka niya. I just don’t have the strength yet because of my wound. Kaya nireklamo ko siya sa manager niya. I’m sorry kung ‘yon lang ang nagawa ko.”

Okay so maling akala na naman ako. Bakit parang napapadalas yata?

Para bang lahat ng inis, asar, at gutom ko nawala. Bahagyang nag-iinit ang mga pisngi ko. Hindi ko naisip na pinagtanggol niya pala ako kaya siya natagalan sumakay ng kotse. I mean kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero ang sarap din pala sa pakiramdam na minsan may sumasalo sayo. Lalo sa mga ganoong pagkakataon na sobrang nahihiya ako.

“T-Thank you. P-Pero hindi mo na kailangan gawin ‘yon,” sagot ko. “Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa, nasa love hotel tayo kanina kaya siguro ganon mag-isip ‘yong taong ‘yon.”

Umaarte akong matibay pero bakit parang gustong ngumiti ng mga labi ko? Kailangan kong pigilan. Ayokong isipin niya na natutuwa ako sa ginawa niya para sakin. I mean– oo natuwa ako. Pero dapat di ko ipakita sa kanya. Ewan! Nahihiya ako!




PAGKATAPOS namin mag-take out ng Pizza, nag park kami sa isang bakanteng lote. Doon kami kumain. Siyempre six slice sakin at sa kanya dalawa lang. Ang sarap talaga! Okay na ko. I’m ready for action.

“Wow naman mukhang pusa na ulit ang leon,” nakangiting sambit ni Finn.

Tinignan ko naman agad siya nang masama. “May sinasabi ka ba?”

Tumawa lang siya saka uminom ng juice.

“Okay, let me get it straight. Tutulungan kitang patunayan na inosente ka. Tapos kapag handa ka ng humarap sa korte– ako pa rin ang magdadala sa ‘yo sa presinto, maliwanag ba?” sambit ko.


“That’s fine with me. Pero bakit parang kailangan na kailangan mo ko dalhin sa presinto? Magkano na ba ang reward sakin?”


“Well, bukod sa wala pang mintis ang record ko bilang Private Investigator, kailangan ko ang five hundred thousand na reward sa ‘yo. Inoperahan kasi ang tiyahin ko at pambayad ‘yon sa bills nila sa hospital.”


“So hindi ‘yon para sa ‘yo? Ang laking pera non, ah. Sayang naman.”


“Hindi ko naman kailangan ng gano’n kalaki. Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Kung hindi nga lang para sa tiyahin ko, hindi ko maiisip na hanapin ka. Pero siguro… pwede, para sa challenge? Medyo bored na kasi ako sa mga nahuhuli ko kamakailan. Pero kung ‘yon lang pala ang dahilan ko… for sure naglulupasay na ang best friend ko na pigilan ako. Kaya hindi rin pala mangyayari.”


“I see…” sambit niya habang nakangiti. Nakatingin lang siya sakin na parang may kung ano siyang sinasabi sa isip niya.


“Okay, so anong sunod mong plano?” tanong ko. “Loop me in. Bigyan mo ko ng lead sa paghahanap mo kay Baron Kim.”


“Actually, bago mo ko hulihin kahapon, I was going to ask someone. Pero ‘di na tayo pwedeng bumalik do’n. Sigurado hinahanap tayo do’n ng mga tauhan ni Mr. Kim. Dapat umalis na tayo ng Tagaytay sa lalong madaling panahon. We have to lay low. I suggest magtago muna at mag plano ulit. Kung okay lang sa ‘yo, Drixie… dadalhin kita sa main hideout ko sa Baguio. Doon lang ang lugar na walang nakahanap sa akin noon. Kaya safe tayo do’n.”


Hindi ako nakasagot. Bahagya akong lumayo at tumalikod. Marinig ko pa lang kasi ang Baguio parang nilalamig na ko. Ang dahilan kung bakit ako laging naka-jacket ay dahil mababa ang tolerance ko sa lamig. Hindi ko alam kung bakit pero ganito na ako noong bata pa lang ako. Hindi pa ko nakakapunta ng Baguio pero ang sabi nila mas malamig daw doon kaysa dito sa Tagaytay. Dito pa nga lang nilalamig na ko– paano pa kaya doon?


“Or if you have a better place where we can stay and plan? I’m open for suggestions. Huwag lang sa Metro Manila, hindi tayo makakagalaw nang ligtas do’n,” dagdag pa ni Finn.

Mukhang wala na akong choice. Di ko rin naman alam kung saan ko siya dadalhin bukod sa apartment ko sa Manila.

“Fine! Pero aalis din tayo kaagad kapag nakabuo na tayo ng plano at kapag may lead na tayo kay Baron Kim, okay?”

“Deal,” nakangiting sambit ni Finn. Lumapit siya sa akin at nakipagkamay pa

Tinanggap ko naman ito. Tapos ay sumakay na ako ng kotse. Ganon ulit ang naging setup namin. Ako ang driver at nandoon siya sa katabi kong passenger seat.

“Drixie… salamat nga pala. You saved my life back there and now you’re helping me out. Now, I’m thinking– what have I done for God to send me an Angel?”

Uminit na naman ang mga pisngi ko kaya’t agad akong umiwas ng tingin. Kailangan paandarin ko na agad ang sasakyan. Kailangan umalis na kami dito. Bakit parang biglang nawawala yata ‘yong start button ng kotse? Teka, dapat may rebut ako. Hindi pwedeng silent lang. Dapat barahin ko siya. Ano bang sasabihin ko? Nawawala ako. Nasaan na ba ‘yong start button?


Ayun! Finally, nahanap ko rin.


“Are you looking for the start button?” tanong niya “Heto oh–”


Nagkasabay kami…


Imbes na start button– kamay niya ang nahawakan ko.


Sa sandaling ‘yon parang may kuryenteng gumapang mula sa kamay ko papunta sa braso ko. Napatingin ako sa kanya, at ganon din siya sakin. 

Nagkatitigan kami…

Ang lapit ng mukha niya sakin…

Parang bumagal ang paligid…

Naramdaman ko ang hininga niyang malamig…

Hindi ko alam ang gagawin kaya’t pumikit nalang ako at…

Dinakma ko ang mukha niya at tinulak palayo sakin.

“Tabi! Balik ka sa pwesto mo! Doon ka sa sulok!”

“Okay, okay! Geez! You don’t have to push my face,” sagot niya. Nagsuot na siya ng seatbelt at umayos ng upo. “Pero seryoso. Salamat talaga.”

Na-start ko na rin sa wakas ang sasakyan. “Hi-Hindi ko ito ginagawa para sa ‘yo. Para sa ano… para sa Mama mo.”

Totoo naman na para rin kay Mrs. Extrella kaya nagbago ang isip ko. Pero naawa na din talaga ako kay Finn at ginagawa ko din ‘to dahil alam ko na ngayon na inosente siya. 

“Na-meet ko na siya, at ang swerte mo sa kanya. Hindi deserve ng mama mo na magkaroon ng ganitong problema. Kaya dapat ma-solve natin ang kaso na ‘to sa lalong madaling panahon,” dagdag ko pa.

Sinulyapan ko siya. Nakayuko na siya at tila malalim ang iniisip.

“Tama ka. She’s the best mom. And…” 

Bumuntong hininga siya at bumaling sa bintana na nasa side niya. “…she doesn’t deserve a son like me,” bulong niya. Kahit mahina ay narinig ko.

Nasaktan ako para sa kanya. Gusto ko siyang i-comfort pero di ko alam kung paano. Siyempre hindi ko siya yayakapin. Hindi ako si Zella. Himasin ko ba dapat ang likod niya? Baka kung ano na namang kalokohan ang sabihin niya. Mabuti pa magmaneho nalang ako.

Aalis na dapat kami nang biglang tumunog ang phone ko. Tumawag si Zella kaya’t lumabas muna ako ng sasakyan para sagutin ang tawag niya.

“Oh my god, Drix! Ano na? Any update from you? Sa inyo nong kasama mo?” tanong ni Zella mula sa kabilang linya.

“Okay lang ako. Okay lang din siya. Natanggal ko na ‘yong bala sa kanya.” Lumakad ako palayo nang bahagya sa sasakyan.

“Wow! Talaga? Good job, ah! Achievement ‘yan. Dapat tinago mo ‘yong bala para may remembrance ka na one time sa buhay mo nagtanggal ka ng bullet kahit ‘di ka doctor.”

Tumawa si Zella sa kabilang linya. Kanina lang nag-aalala siya ngayon tumatawa na. Ibang klase talaga siya.

“Naisip ko rin ‘yon bago kami umalis. Kaso hindi ko na makita kung nasaan,” sagot ko.

“Sayang naman. Ano magkikita na ba tayo mamaya? Ce-celebrate na ba natin? Drixie Pixie the one and only who caught the Fox!”

 “Masyado pang maaga. Actually, meron akong sasabihin sa ‘yo pero huwag mong sasabihin sa iba maliban kay Detective Obryn. Tingin ko kakailanganin namin ang tulong niyo.”

“What do you mean, besty?”

“Inosente itong si Finn—I mean si Fox. May nag frame up lang sa kanya. Ngayon ay tutulungan ko siyang mapatunayan ‘yon. Mahabang kwento, saka ko na ipapaliwanag, pero seryoso at totoo ‘to. Maniwala ka sa ‘kin.”


“Okay. Kabisado ko ‘yong ganyan mong tono. You’re very serious. Basta mag iingat ka. Alam kong kaya mo ‘yan. Call me kaagad kapag need mo na ang tulong namin. We’ll be ready.”


“Thanks, Zella. Papunta kami ng Baguio ngayon. Tatawagan kita ulit kapag nando’n na kami.”


“Okay sige, besty Drixie. Laters! Ingat kayo!”

Pagkatapos kong itago sa bulsa ng pantalon ang phone ko, bigla akong nabahing. Sinundan pa ng tatlong magkakasunod na pagbahing bago ako makalapit ulit sa sasakyan. Lagot na! Masyado na akong matagal dito sa Tagaytay. Sisipunin na yata ako at mas lalo akong lalamigin. Kakayanin ko kaya ang Baguio? Bahala na.

Pagbukas ko sa pinto ng driver seat, nandoon si Finn at hawak niya ang manibela.

“Ako na ang magmamaneho papunta do’n. You need some sleep.”

Pinag-isipan ko kung papayagan ko siyang magmaneho. Tama siya kailangan ko ng tulog. Pero kaya ko bang magtiwala nang lubos sa kanya? Baka takasan niya ako habang natutulog ako.

Pero teka! Naiwan ko palang bukas ang makina ng sasakyan. May pagkakataon siya kanina na tumakas pero di niya ginawa. I guess pwede ko nga talagang siyang pagkatiwalaan mag maneho. Pagbabantaan ko nalang siya bago ako matulog sa byahe.





FINN



GABI na nang makarating kami sa hideout ko dito sa Baguio. Isa itong cabin na nirerentahan ko using a fake name. Pabukas ko pa lang ng pinto, tinanong agad ni Drixie kung saan ang kwarto.

As soon as I pointed it to her, she rushed towards it and shut the door.

Wow! Nagulat ako do’n. Sobrang inaantok na siguro siya. 

“Tuloy ka sa bahay ko. Feel at home,” I said sarcastically.

Teka, namumula ‘yong ilong niya kanina sa sasakyan. Tapos singot pa siya ng singot. Sinisipon siguro siya. Okay lang kaya siya? I better check on her.

Agad akong kumatok sa pinto ng kwarto. “Drixie? Okay ka lang ba?”

She didn’t answer.

“Drixie?”

Still nothing…

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Hindi ito naka-lock. “Um Drix? P-Papasok ako, ah? Titignan ko lang kung okay ka.”

Hinintay ko saglit kung sasagot siya. Pero dahil wala pa rin, I decided to come in.

Sana hindi siya nagbibihis or what. Pipikit na lang ako.

“Drixie?”

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Tumambad sakin si Drixie na nanginginig at namamaluktot sa kama.

“Drixie?! Anong nangyayari sa ‘yo?”

Nagmadali ako. Sinuri ko siya. Mukhang nilalamig siya nang husto. Ikinalat ko kaagad ang paningin sa paligid para maghanap ng pwedeng makatulong sa kanya. Binuksan ko ang cabinet at naglabas pa ng mga kumot. Tapos ay ipinatong ko ang mga ito sa kanya.

“Is that enough?” tanong ko.

Wala pa rin siyang sagot at nanginginig pa rin siya.

What am I gonna do? I gotta do something. Kahit ano. Lahat gagawin ko para sa kanya. Should I set the fireplace? Baka hindi umabot at magkasakit siya. She needs warmth right now.

I looked around and saw some books on the shelf. One of them was Twilight. Naalala ko ‘yong isang scene doon na ginamit ni Jacob ang katawan niya para mainitan si Bella dahil nasa bundok sila at winter. Wala na akong ibang maisip na paraan. 

My body heat should help her. I’m not a wolf but I’m hot.

“Um… Drixie? Huwag kang magagalit, ah. Gagawin ko lang ‘to para maging okay ka. Hu-Huwag mo kong susuntukin, please.”

Huminga ako nang malalim. Tapos ay dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kumot at tinabihan ko siya.

This is making me nervous. It feels like I’m about to enter a lioness den. One wrong move she’ll kill me. But here goes nothing…

Nang magkadikit ang mga katawan namin, hindi na ako nagdalawang isip. Niyakap ko siya nang mahigpit.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly