DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 13

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


FLASHBACK THREE YEARS AGO

MINABUTI ko na magtago na lamang matapos ang banta sakin ng dalawang pulis. Kahit pa na sa paglipas ng panahon ay nalaman ko rin na lalo akong nadidiin sa kaso ng pagpatay kay Baron at Lester Kim.

I wanted to fight openly and prove my innocence in a proper and lawful way. But I could never prioritize myself over my loved ones. I know they could be in danger if I don't heed the threats against me. So, until I figure out a plan and discover who is behind framing me, I will embrace being a wanted person in the eyes of the law.

Days later…

“I’m sure about it, Croc! Kung sino man ang nag frame up sa ‘kin– malakas ang kutob ko na may kinalaman ‘yong kausap ng magkapatid sa rest house no’ng gabing ‘yon,” sambit ko sa phone. Kausap ko si Croc na nasa kabilang linya. Nagtatago ako ngayon sa isang maliit na transient house sa Baguio.

“Naniniwala ako sa kwento mo, Fox. Pero hindi natin alam kung sino ‘yon. Ang problema natin ay ang banta sa ‘yo. Napag-alaman ko na si Mr. Kim ang nag-utos no’n. Kilala ko si Mr. Kim, maimpluwensya at makapangyarihan siyang tao, mahirap siyang kalabanin.”

“Mahirap pero hindi imposible. Pero teka…” Saglit akong huminto at nag-isip. “Kung si Mr. Kim ang nag utos sa dalawang pulis na ‘yon— bakit niya ipinag-utos na patakasin ako? Akala ko ba galit siya at gusto niyang mahuli kaagad ang pumatay sa mga anak niya? That doesn’t make any sense.”

“Alam mo tama ka. Hindi ako sigurado pero nung nakita ko siya, mukha siyang hindi nababahala na namatay ang mga anak niya. Tapos ito pa ang pinagtataka ko, akala ko kaya ka pinatakas ay para mas sumikat ang kaso. Businessman si Mr. Kim, lahat ng publicity maganda sa kanya, pero kamakailan lang ay nag request siya sa mga pulis na gawing pribado ang kaso. Gusto niya na ilayo sa media ang trahedya at imbestigasyon. Maging ang pagiging wanted sa ‘yo ay hindi niya muna pinapakalat.”

Ang gulo. Anong ibig-sabihin no’n? Hindi ko maintindihan pero may kutob ako na may mas malaking nangyayari dito. Kaso sa ngayon ang hirap ikonekta ng mga bagay-bagay.

“Ang tingin ko talaga dito may mas mabigat na ugat itong pag frame up sa ‘yo at ‘yon ang dapat mong alamin. Hindi lang ito basta kaso ng pagpatay, may iba pa itong dahilan,” dagdag pa ni Croc.

Something struck my mind.

“Hindi kaya gumaganti sa ‘kin si Mr. Kim? Nagsulat kasi ako ng article tungkol sa isa sa mga company niya noon. At dahil sa sinulat ko bumagsak ang kumpanyang ‘yon. Hindi kaya dahil do’n?”

“May posibilidad nga ang sinasabi mo. Siguro nga ay nakita niyang pagkakataon para makaganti ang pagiging suspect mo kaya ipinapadiin ka niya lalo. Pero hindi tayo sigurado kung siya rin ba ang nagpatanim ng mga ebidensya laban sa ‘yo. Marami pa talagang dapat madiskubre sa kaso mo, Fox. Sa ngayon magtago ka na lang muna. Ako naman ay magpapalamig muna. Baka kasi madiskubre tayo ng mga tauhan dito sa presinto ni Mr. Kim. Mahirap na. May anak pa ko. Kung ako lang, e, kahit magkamatayan tutulungan kita, pero ayaw kong may mangyari sa anak ko.”

Pakiramdam ko parang dinaganan ako ng mabigat na bagay. Ang inaakala ko kasing makakatulong sakin ay nahihirapan din. “Naiintindihan kita, Croc. Mag iingat ka. Balitaan mo na lang ako kung meron ka pang impormasyon. Siya nga pala kamusta ang pamilya ko? May balita ka ba sa kanila?”

“Sa totoo lang medyo hindi maganda ang lagay nila. Mukhang balisa sila dahil sa nangyayari sa ‘yo. May mga tao pang pinapadalhan sila ng masasamang mensahe dahil mamamatay tao raw ang anak nila. Pero wag kang mag alala. Ligtas naman sila at pag tagal ng panahon– makakalimutan din ng mga tao ang kaso mo. Tsaka ang balita ko may lawyer na tumutulong sa kanila na ipagtanggol ka. Pero hangga’t ‘di ka humaharap sa kaso wala silang magawa.”

Nakita ko sa aking isipan ang imahe ni Mama at ni Papa. I saw them worrying about me, hurting and crying for me. Parang may kung anong pumiga sa puso ko at pumigil sa paghinga ko. Tears ran down my face. I wish there’s another way. I wish I could tell them I’m okay– and that everything is going to be alright.

“Fox nandiyan ka pa?” dinig kong tanong ni Croc sa kabilang linya.

Minabuti kong punasan muna ang luha at isantabi muna ang pagdurusa. I have to solve this puzzle. Para sa mga magulang ko.

“I’m still here... Salamat, Croc. Sa tingin mo mapagkakatiwalaan ba natin ang lawyer na ‘yon?”

“Sa totoo lang, hindi ko pa masabi sa ngayon. Baka baguhang lawyer lang na gustong makilala kaya kinuha ang kaso mo. Ah siya nga pala. Baka makatulong sa ‘yo. Ise-send ko ang address ng isang escape artist na kilala ko. Mas mabuti kung magpapaturo ka kung paano matakasan ang mga huhuli sa ‘yo mula ngayon.”

“Sige. Salamat ulit.”

“Sige, Fox. Mag iingat ka rin. Makamit mo sana ang hustisya.”

Pagbaba ko ng tawag, humarap ako sa ginawa kong investigation board. Inilipat ko ang litrato ni Mr. Kim sa gitna, sa tabi ng question mark na iginuhit kong symbol. Ito ang tinuturing kong kasama ng magkapatid na Kim ng gabing mangyari ang krimen.

Kung sino ka man… mahahanap din kita. Malalaman ko rin kung sino ka at kung bakit mo ginagawa sakin ‘to ngayon. Someday, I’ll make sure you’ll face justice.



PRESENT

“Pagkatapos, nagtago na lang ako nang nagtago. Pinuntahan ko rin ‘yong escape artist na ni-recommend ni Croc sa ‘kin kaya naging mahusay ako sa pagtakas sa mga naghahabol sa kagwapuhan ko,” kibit-balikat kong sambit habang nakangisi.

Seryoso lang na nakikinig si Drixie sakin pero tinaasan niya ko ng kilay sa huli kong sinabi.  “Alam mo okay na, e. Concern na ko. Kaso biglang may kahibangan sa dulo. Alam mo ‘yon?”

Saglit akong tumawa, saka ngumiti. “Concern ka pala sa ‘kin? Sarap sa ears.”

“Co-Concern?” 

Para bang bigla siyang nataranta. Lumilinga siya sa paligid na parang may hinahanap. Siguro naghahanap ng ibabato sakin. Nahihiya siya at ayaw niyang ipakita. 

“Hindi, ah! Ang sabi ko curious ako. Curious!” Giit niya.

Ang cute niya talagang mainis.

“Curiosity kills the cat, but concern sparks some love,” sambit ko sabay kindat.

That’s a Finn Oliver Extrella original line.

Tinignan niya lang ako nang masama sabay bunot ng taser at tutok sakin. Tumayo pa siya at lumapit. “Spark pala, ah! Baka gusto mong saksakan kita ng spark?”

Pinilit kong umatras kahit nakahiga sa kama. “Joke lang! Ito naman. Ayoko lang na masyado tayong seryoso. Let’s just say that this is my way to be happy, okay? I’ve been through a lot, you know?”

Nakakatuwa talaga siya. Akala mo inis siya pero bakas sa gilid ng mga labi niya na parang gusto niyang tumawa– pinipigilan niya lang. Ano kayang tunog ng tawa niya?
Umupo siya ulit at itinabi ang taser. “Okay… So ibig sabihin, may nag frame up sa ‘yo. At kaya naman hindi ka humaharap sa korte at nagtatago ay dahil ayaw mong mapahamak ang pamilya mo.”

Tumango ako at napangiti nang napakalapad.. Nakakaramdam ako ng pag-asa. She listened to my story. Now I think she knows that I’m selfless. That I would never put my family in harm's way. Siguro bilib na siya sakin. Siguro hinahangaan niya na ko. Siguro crush niya na ko.

“I see… tapos para maka-survive ka… nagpapanggap kang hiredero ng isang mayamang Asyano at kinukuha mo ang loob ng mga mayamang babae para may matuluyan at may makain ka tama ba?” Umiling-iling si Drixie habang parang nakatingin sakin nang may pandidiri. “Tsk, tsk, tsk, siguro nga inosenta ka sa kaso mo pero ang manloko ng mga babae? That’s so wrong!”

Saglit akong parang naging statue. Nawala ang ngiti sa labi ko at parang na stuck pa yata ang panga ko. My thoughts were wrong.

“Hey can I just defend myself a little bit? Hindi sa nanloloko ako ng mga babae, ha. Tsaka hindi ko sila ginagamit para may matuluyan ako o may makain. I have my own money. Lahat ng pera ko sa banko kinuha ko nung gabing pinatakas ako. It’s just that– I had to disguise as a rich Asian dahil sobrang yaman ng mga babaeng ‘yon. They would never talk to me if I hadn't done that. At ang reason kung bakit ako lumalapit sa kanila ay dahil sa—” Luminga-linga ako sa paligid. “Wait. Nasaan ang phone ko?”

Inilabas niya ito at pinakita niyang hawak niya. “Looking for this?”

“Yes. May I have it, please?”

Diretso at matulis siyang nakatingin sakin. Siguro iniisip niya kung pagkakatiwalaan niya akong humawak ng phone. Dapat ko na bang bawasan ang mga banat ko sa kanya? Maybe that’s why she’s having trouble trusting me. But what can I do? I can’t resist it. Ang sarap niyang asarin. I feel like a kid teasing his crush, annoying her to the fullest because secretly he likes her. 

After a minute of death stare, she gave me my phone.

“Huwag mong subukang tumawag, ah. Patay ka talaga sa ‘kin,” banta niya.

 I see. Akala niya pala gagamitin ko ang phone para tumawag ng back up or what not. She doesn’t trust me yet.

“Sino naman tatawagan ko? Ikaw, hindi pa nga tayo pero pinaghihinalaan mo na ‘ko,” biro ko sabay kuha sa phone. “Don’t worry, wala akong tatawagan dahil nandito ka na sa tabi ko.”

Humikab lang siya. Aba nang-aasar na rin siya. Kunwari inaantok sa banat ko. Makapag seryoso na nga muna.

“Ito! Dahil sa taong ‘to.” Ipinakita ko sa kanya ang mga litrato ni Baron Kim. Kada litrato ay may kasama itong iba't-ibang babae. “Itong mga pictures na ‘to ang huling tulong na natanggap ko mula kay Croc three years ago. Hindi niya sinabi kung para saan pero nahulaan ko na ang ibig sabihin nito ay buhay si Baron Kim. Ang kailangan ko lang ay hanapin siya para mapatunayan na inosente ako.”

Agad niyang inagaw ang phone sakin. “Totoo nga ito. Hindi edited. Bakit hindi mo pa ‘to ginamit as evidence? Malakas ‘to para patunayan na buhay ang isa sa magkapatid. Para patunayan na inosente ka.”

Napakamot-ulo ako.  “Oo, kaso ang problema, hindi ko alam kung kuha ba ‘yan bago ang balita na patay na siya o pagkatapos. Lahat kasi ng mga babae diyan nung tanongin ko, hindi na maalala kung kailan nila nakasama si Baron. Most of the time they were drunk or busted. Ang iba naman ay sinabing matagal na ang litrato– bago pa nasabing patay na siya.”

Hindi siya nagsalita. Parang nag-iisip lang siya. I’d like to think that she is trying to help me find a way to face this on a trial.

“Hindi talaga ako pwedeng basta-basta lumaban hangga’t ‘di ako sigurado. Sa ngayon, ang plano ko ay hanapin si Baron, tapos ihaharap ko siya sa NBI kung saan ko ilalahad ang kwento ko para maprotektahan ang pamilya ko. Saka ako haharap sa korte. Si Baron lang kasi talaga ang makakapag sabi ng totoong nangyari sa kapatid niya,” dagdag ko pa. “Siya rin ang posibleng makakapagturo kung sinong nag frame up sa ‘kin.”

Hindi pa rin siya nagsalita. Nakahawak lang siya sa labi niya habang nakatingin sa phone. Ang hirap niyang basahin ngayon. Anong iniisip niya? Pinag iisipan niya ba kung pagkakatiwalaan niya ako? O baka naman iniisip niya na may laban ako sa korte kaya isusuko niya na lang ako sa mga pulis? Does she really need the reward for finding me? Why? Or maybe she’s trying to figure out how to help me. Sana nga ganon.

Ilang saglit pa, tumayo si Drixie at iniabot niya ang kamay niya sakin. 

“Kaya mong tumayo?”

“Teka, dadalhin mo pa rin ba ako sa presinto? Please naman, Drixie. Kailangan ko talagang hanapin si Baron. It’s the only way,” I begged.

“Narinig kita, okay? Hindi kita dadalhin sa presinto.”

It sounded like music to my ears. I can’t help but wear a big smile.

“S-Saan mo ko dadalhin? Pwede bang diyan na lang sa pu–”

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. 

“Hep! May kalokohan ka na namang sasabihin. Magbabago pa isip ko. Tara umalis na tayo dito. I’m going to help you but we have to move.”

Para bang nabuhayan ako ng loob. It felt like the first time that someone was here for me. I’m not alone now. Maybe with her, I can finally see some light.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly