DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 12

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN

IT WAS one cold night. Nakatanggap ako ng isang anonymous tip tungkol sa katotohanan ng isang viral video sa social media. It was a video where the brothers Lester and Baron Kim were held and kidnapped for ransom. At dahil isa akong mystery, conspiracy and theory writer na nagtatago sa pen name na Fox sa sarili kong website noon– that tip was a good break. Ang hindi ko lang alam… iyon pala ang sisira sa buhay ko.

Base sa nakuha kong impormasyon, ang magkapatid pala ay nagtatago sa isang rest house sa Bataan. And the truth is, they weren’t kidnapped. Palabas lamang ng dalawa para maka-kuha ng malaking pera mula sa sariling ama. Kaya palihim kong pinuntahan ang pinagtataguan nila para makakuha ng proof.

Naging magandang taguan ko ang mga halaman at puno sa paligid ng rest house, maging ang kakulangan ng ilaw sa paligid nito.
​
May isang bantay nuon sa main door kaya’t naisipan kong pumunta sa likod ng rest house. Doon ay may nakita akong bintana at sa likod nu’n ay may narinig akong mga nag-uusap. Tatlong boses ng lalaki. Pero ‘di ko matukoy kung sino-sino dahil medyo makapal ang kulay puting kurtina at nakasara pa ang bintana.

“Oh ano na?! Kala ko ba kakagat si Dad sa plano natin? Bakit ‘di pa niya pinapadala ang ransom money?” boses ng isang lalaki. 

“Oo nga! We need our 200 million! Nakakasawang ng magtago dito.” At isa pang lalaki.

“Relax lang. Isasagawa ko lang ang sunod na plano,” sagot ng ikatlong boses din ng lalaki. “Lester tinitiyak ko sa ‘yo na makukuha niyong magkapatid ang pera niyo.”

Kung tama ang tip sakin na ang magkapatid na Kim ay nasa rest house na iyon, suspetsa ko na ang dalawang naunang nagsalita ay sina Lester at Baron. Based on what I overheard, the one who mentioned the 200 million was Lester. And the first one to speak was Baron. But I wondered to myself who the other person was, the one talking to the two siblings.

“Anong plano?” Dinig kong tanong ni Baron.
“Wala tayong mapapala dito! Sabi ko na bogus lang ‘to, e. Umuwi na lang tayo,” dinig ko namang reklamo ni Lester.

“Manahimik ka nga, Lester! Pagod na ko sa mga reklamo mo!”

After I heard that shout from who I believed was Baron Kim, I was shocked when a gunshot immediately followed. It sounded like the amplified noise of bricks crashing together. Pero kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko, mabilis ko din ikinalat ang paningin sa paligid. Naghanap ako ng mapapasukan para makuhaan ng picture o video ang mga tao sa loob ng rest house. Para malaman ko din kung may nabaril ba.
I stepped back and glanced up, assessing the house for a possible climb. Before I could devise a plan, I felt the cold steel of a weapon press against the back of my neck

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” 

Nahuli ako ng lalaking isa sa mga bantay ng rest house. Tinutukan niya ako ng baril kaya’t itinaas ko na lang ang mga kamay ko.

“H-Hindi mo ba ko natatandaan? Ako ‘yong taga-linis ng bintana,” palusot ko.

Crap! Why did I think that a window cleaner would be working at this hour? Kung hardinero sana pwede pa.

And of course he didn’t buy it. Pumindot siya sa communication device na nasa tainga niya.

“Bossing, may nahuli akong lalaki dito. Parang espi--”

Hindi ko siya pinatapos. Sinubukan ko agad na agawin ang baril sa kanya. Pero mukhang alerto siya. Nakipag tagisan siya sakin ng lakas sa agawan. He was certainly trained for this and I’m not. Kaya naisipan kong apakan ang paa niya.

“Aray! Anak ng--!” 

Napahawak sa paa at halos mapatalon siya sa sakit kaya’t naagaw ko ang baril. Mabilis ko ‘yon itinutok sa kanya.

“Dapa!” utos ko.

Tumango at sumunod naman siya. Tapos ay dahan-dahan siyang dumapa sa lupa habang nakataas ang mga kamay.

“Sagutin mo ko kung ayaw mong barilin kita.” Banta ko. Panakot lang pero di ko kayang gawin. “Sino-sino nasa loob ng rest house?”

Bago pa makasagot ‘yong lalaki, isa na namang putok ng baril ang narinig ko. Malapit ‘yon sakin. From there I knew that someone was shooting at me. Yumuko ako at tumakbo palayo ng mabilis. Hindi ko na nagawang lumingon para tignan kung sino ‘yon dahil paulit-ulit niya o nila akong pinaputukan ng baril.
Nagdire-dretso ako sa gitna ng madilim na daan kahit bahagya ko ng nababangga ang mga puno’t halaman huwag lang tamaan ng bala. Nang maaninag ko sa ‘di kalayuan ang kotse ko, basta ko nalang itinapon ang baril na naagaw ko. I ran even faster until I got in and managed to escape.




THE FOLLOWING night, napanood ko sa TV ang isang masamang balita. Ayon dito, natagpuang patay ang magkapatid na sina Lester at Baron Kim sa isang rest house sa Bataan. Si Lester ay may tama ng baril sa ulo habang si Baron naman ay sunog ang katawan at halos hindi na makilala. Iniimbestigahan pa raw ng mga pulis ang buong pangyayari.

Dahil sa napanood ko, mas tumibay ang suspetsa ko na ang magkapatid nga ang narinig ko kagabi. Pero gusto ko pa rin makasigurado. To gather more information, I reached out to my contact at the precinct, an acquaintance known by the alias Croc.

“Croc! Nabalitaan ko ang tungkol sa magkapatid na Kim. Do you have any other information for my article?”

“Teka saglit lang, Fox. May makakarinig sa ‘tin dito.”

“Copy.”

After a minute of long silence, he came back to the phone.

“Fox nandiyan ka pa?”

“I’m here. Saang address natagpuan ang bangkay ng mga Kim? Sino ang nag-report sa mga pulis?”

Ibinigay ni Croc sakin ang address. Tugma ito sa rest house na pinuntahan ko kagabi.

“…at ang nag-report ay ang tauhan ng tatay ng magkapatid. Ang sabi ng detective inupahan daw ‘yon ni Mr. Kim para iligtas ang mga anak niya sa kidnapper. Hindi lang ‘yon… na-witness din daw nu’n kung sino ang pumaslang sa magkapatid.”

“Sinabi niya na ba kung sino?” I asked.

“Hindi niya daw kilala. Pero inilalarawan niya na sa artist ang itsura ng suspect, mamaya ay matatapos na ang sketch. Babalitaan kita mamaya.”

“Sige. Salamat, Croc. Abangan mo ang article ko. May isisiwalat ako tungkol do’n.”

Matapos kong ibaba ang tawag, agad akong umupo sa harap ng laptop. Tatapusin ko na ang article na sinusulat ko tungkol sa magkapatid na Kim. Ilalagay ko din doon ang mga nasaksihan ko kagabi. 

It should have been an exciting night for me as I wrote and revealed what I have found. But then a twist happened. Nang gabi ring ‘yon, dumating ang mga pulis sa condo unit ko at inaresto ako bilang suspect sa pagkamatay ng magkapatid na Kim.



WALA akong nagawa noon kundi ang sumama sa mga pulis. While I sat in the backseat of their car, I couldn't help but wonder why it was taking so long to reach the precinct. I also noticed the policeman in the passenger seat kept glancing at me through the rearview mirror. Naramdaman ko agad na parang may hindi tama.

Ilang saglit pa, huminto kami sa isang lugar kung saan madilim at may malawak na talahiban. 

“Mga sir, ano po ginagawa natin dito?” I asked.

Pero di nila ako pinansin. Parang lumilinga-linga lang sila sa paligid.

“Pwede na dito, ‘no?” tanong ng pulis na nasa driver seat.

Tumango naman ang kasama niya. “Sakto na ‘to. Suntukin mo na ko.”

Sinuntok nang malakas ng pulis na nasa driver seat ang kasamahan niya sa mukha. Nakita kong dumugo pa ang ilong nito.

“Aargh! Nice punch, pare. Whoo! Proceed tayo,” sambit naman ng sinuntok.

Anong ginagawa nila? Para silang naka-inom o naka-droga. Masama ang kutob ko dito.

Lumabas ng sasakyan ang dalawang pulis. Tapos ay pinababa nila ako habang may nakatutok na baril sakin.

“Labas diyan!”

“A-Anong ibig sabihin nito, sir?” nanginginig kong tanong.

“Makinig ka! Tumakas ka, magpakalayo-layo ka, at mag tago kang mabuti. Pag hindi mo ginawa, papatayin ka namin. Sasabihin naming nanlaban ka,” sambit ng pulis na tumututok sakin ng baril.

“E sasabihin naman talaga nating nanlaban siya kaya siya nakatakas, di ba?” sambit naman ng isa pang pulis at tumawa silang dalawa.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero ako nangangatog na sa takot. I don’t understand what was going on. I wanted to fight for my case in the court. I’m innocent and I could win. Pero may hindi talaga tama sa nangyayari ngayon.

“Pag sinubukan mong mag-report sa ibang mga pulis, o kaya sa TV, o kahit ano pa! Basta malaman ng iba ang nangyari ngayon– ipapa-patay ni bossing ang buong angkan mo, maliwanag ba? H’wag mo ring susubukang makipagkita sa pamilya at mga kaibigan mo o kahit tawagan sila. Isang subok mo lang sasabog ang ulo nila,” sambit ulit ng pulis sakin at tumawa siya ng konte. “Hindi mo kilala ang kinalaban mo, tsong.”

Hindi ko alam kung mga totoong pulis sila pero alam kong hindi sila nagbibiro. Kita sa mga mata nilang nanlilisik.

That moment, I saw my family and friends in my mind. Just the thought of them being in danger breaks my heart. Mas kakayanin kong may mangyari sakin na masama ngayon kaysa sila ang madamay.

“Maliwanag ba?” madiing pag-ulit ng pulis at idinikit pa niya ang dulo ng baril sa noo koo.

Nanginginig akong tumango-tango. Gusto ko silang labanan pero alam kong hindi ko kaya. I don’t want to die here for the sake of my family.

“Good. Bilisan mo at tumakbo ka na. Pag nakita pa kita sa loob ng isang minuto, babarilin kita.”

Hindi na ko nag dalawang isip pa. Ayokong malagay sa peligro ang mga mahal ko sa buhay. Ako lang ang dapat na dumanas ng hirap. 

Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa talahiban kung saan hindi na nila ko makikita. Habang papalayo ay nililingon ko ang mga pulis. Nakita kong sinasaktan ng dalawa ang isa’t isa habang nagtatawanan. Sa puntong iyon, napagtanto kong tinataniman na nila ng ebidensya ang kunwaring pagtakas at panlalaban ko.



PRESENT


“...at doon nagsimula kung paano ako naging wanted kahit inosente naman ako,” sambit ko.

“Teka lang. Bakit parang kulang pa? Walang na bang karugtong ‘yon? Tsaka bakit natakot ka sa dalawang police na ‘yon?” kunot-noong tanong ni Drixie. “Ang hina mo naman.”

“In my defense, that was my first time. Kung ngayon nila ako tututukan baka nabugbog ko sila. Tsaka sinabi ko bang tapos na ko? Ang sabi ko lang doon nagsimula. Makinig ka muna kasi."

“Ang bagal mo kasing mag kwento, e. Nagugutom na ko,” reklamo pa niya. “So what happened next?”

I let out a long exhale. “I found out na mas lalo akong pinag-mukhang guilty ng kung sino mang nag-pe-frame up sa ‘kin. Aside from my so-called staged escape, nakita rin daw ang fingerprints ko sa baril na pumatay kay Lester.”

“Wait—kung hindi ako nagkakamali, base sa kwento mo, ang tanging baril lang na hinawakan mo ay ‘yong inagaw mo do’n sa bantay ng rest house. Iyong tinapon mo lang basta-basta, tama ba?”

The way she said it makes me feel so stupid. Bakit ko nga ba basta-basta na lang tinapon ‘yon dati?

“Uh huh. Hindi ka lang pala maganda, matalino ka pa. Sayang lang at para kang lion mainis,” nakangiti kong sambit.

Tinaasan niya ko ng kaliwang kilay. “Hindi mo ko madadaan sa pambobola mo, ha. Hindi pa ako kumbinsido sa kwento mo. Bigyan mo pa ko ng mga detalye.”

“Sabi ko nga mag ke-kwento pa ako.” 

Ang sungit talaga. Pero bakit hindi siya pumapangit kahit nagtataray? I’m glad she seems interested. Hindi ako nagkamali na magtiwala sa kanya. Sana lang paniwalaan niya ako at patakasin niya ako. Back to my story.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly