DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 11

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE
​

HALOS maikot ko na yata ang buong Tagaytay pero ‘di ko pa rin alam kung saan dadalhin si Finn para gamutin. Tama, hindi maganda kung tawagin ko pa rin siya sa alias niyang Fox. Niligtas niya ang buhay ko kaya dapat tratuhin ko rin siya nang maayos– kahit pa lokoloko siya.

Pero saan ko nga ba siya dadalhin kung hindi sa Ospital? Ang hirap! Sa oras kasi na magkamali ako at may makakilala sa kanya, pwedeng dumating ang mga pulis at mahuli siya.  


Sinulyapan ko siya dahil napansin kong ang tahimik niya na. Mas lalo tuloy akong natataranta. Paano kung patay na pala siya at kasalanan ko pa? 

“Finn? Gumising ka, please! Buhay ka pa ‘di ba?”

Umungol siya. Pinipilit niya namang dumilat pero parang nahihirapan na siya.

“J-Just hold on, okay? May iba ka bang hideout dito?” tanong ko. “Para madala kita do’n at matanggal natin ‘yang bala sa tagiliran mo.”

“Wala na… Dalhin… argh… mo na lang ako… sa isang… ugh cheap hotel o apartel. Mag… check-in tayo.”

Bigla akong napatapak sa preno. 

Pambihira! Wala na bang seryoso sa lalaking ‘to?!

“Ch-Check-in? Ho-Hotel? Ayoko nga! Alam mo kanina ka pa, ha! Di ko lang pinapansin mga kalokohan mo pero ngayon naiirita na talaga ‘ko!”

Tumawa siya nang konte pero agad din umaray.

“Tatawa ka pa, ah! Buti nga sa ‘yo. Puro ka kasi kalokohan. Mamamatay ka na nga diyan ‘di ka pa mag seryoso. Ang manyak mo! Apartelle pa naisip mo!”

Umiling ako saka pinaandar nalang ulit ang sasakyan.

“What I mean is… let’s go to… a cheap hotel. Iyong mga walang… mahigpit na security– argh! Then we can… we can act as… tra-travelers. Pagdating sa kwarto… you can… help me… take the bullet out.”
Inisip ko ‘yong sinabi niya at nagkaroon naman ng sense sakin. Di ako makapaniwala na nag isip ako ng masama dahil gusto niyang mag hotel kami? Nakakahiya! Pero kasalanan niya naman kasi kanina pa siya puro kalokohan. Teka, bakit umiinit ang mukha ko?


Tumawa ulit si Finn na may kasamang mahinang ungol. Nasasaktan na siya pero nagagawa pa rin tumawa.

“Hindi ko alam na… green minded ka pala,” sambit pa niya.

“Shut up!”

Hindi ako makatingin sa kanya. Napahiya ako do’n. Kasi naman! Kasalanan ‘to ng mga taong puro kwan lang ang ginagawa sa hotel. 

“Huwag mo nga kong tignan!” utos ko pa. “Pumikit ka para di sumakit ‘yang tama mo.”

“Okay lang kahit… masakit. You’re definitely… worth looking at.”

Nakakainis! Bakit parang gustong ngumiti ng mga labi ko? Hindi dapat! Dapat inis ako. 

Diretso lang sa daan ang tingin ko pero pinakitaan ko siya ng kamao. Gets niya na dapat ‘to na kapag di siya tumigil uupakan ko na siya.


Pagliko ko sa isang kanto, sakto namang may nakita akong hotel na mukhang mumurahin. Iniliko ko agad ang sasakyan papasok doon. Isang lalaking staff ng hotel na naka-itim na barong ang sumalubong samin sa entrance.


“Good choice… Di na natin… kailangan bumaba ng sasakyan dito,” nakangising sambit ni Finn.

Itatanong ko dapat kay Finn kung anong ibig sabihin no’n, pero lumapit na sa driver seat ‘yong lalaking staff. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan.

“Good evening po, ma’am,” bati ng lalaking staff ng hotel. “Check in for how many hours po?”

“Um… uh… ano… hours? Um…”

Hours? Di ba pag hotel– days ang usapan. Bakit hours lang? Anong sasabihin ko?


“Mga 12 hours lang please,” pag singit ni Finn.

“Sige po, mam and sir. Sunod na lang po sila sa akin,” sagot ng lalaking staff at umalis ito.


Aba! Alam na alam niya ang kalakaran sa ganitong lugar. Siguro…

Napasulyap ako kay Finn. Nginitian at kinindatan niya ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Ginabayan kami ng staff sa isang unit na may sariling garahe kaya’t hindi na namin kinailangang bumaba ng kotse para pumunta doon. Nang makapag-park, at maiwan ng staff, agad kong inalalayan si Finn papasok ng hotel unit. Hinayaan kong akbayan niya ko para makapaglakad siya.


What… the… heck…


Iyon na lamang ang nasabi ko sa isip ko nang makapasok kami sa loob. Anong klaseng lugar ‘to? B-Bakit parang hindi normal na hotel? Halos pulang pula ang buong kwarto. Dim pa ang mga ilaw at ang kama hugis puso. Tapos may mga pictures pa sa wall na malaswa.


Love hotel? Love hotel ba ‘tong napasukan namin? At bakit parang ang init ng pakiramdam ko ngayon?

“Drixie please! Paki kuha ang… medical kit ko sa kotse.”

Natauhan ako nang marinig at makita ko si Finn na nasa kama na at nakahiga. Tama sya. Wala na kaming oras para lumipat ng lugar.  Kahit ayaw ko dito– ang priority ko ay tulungan siya.

Nagmadali akong lumabas ng room at kinuha sa sasakyan ang medical kit na sinasabi niya. Isa itong kulay puting metal box na may cross symbol. Pagbalik ko, agad kong inabot sa kanya.

“Ito na. Anong gagawin?”

“What?! Akala ko alam mo?” reklamo niya pero agad siyang napa-pikit at napa-ngiwi. “Drixie please… don’t let me die. Aargh!”

“Okay, okay! Basta ano– relax ka lang.”

Hindi ko alam ang gagawin pero bahala na.

Binuksan ko ang medical kit box. Ang pamilyar na bagay lang na nakita ko ay mga medical gauze, bandages, antiseptic, at ilang mga gamot katulad ng antibiotics. May mga medical tools pero di ko alam kung para saan.


Kinuha ko ang gauze at tinupi ito. Tapos ay nilagyan ko ito ng antiseptic. Itinaas ko ‘yong shirt ni Finn para makita ang tama ng bala. Maraming dugo ang lumalabas mula sa sugat kaya’t tinakpan ko ito ng gauze. 

Okay, mapapahinto nito ang pagdurugo sa ngayon. Iisipin ko muna kung anong sunod na gagawin.

Habang nakayuko ako kay Finn, napansin ko nang hindi sinasadya ang hulma ng kanyang mga kalamnan. Bahagyang huminto ang paghinga ko habang ang mga mata ko ay sinusundan ang mga linya ng kanyang six-pack abs. Akala ko payat lang siya. Hindi ko inaasahan na toned pala ang muscles niya.

Parang lalong umiinit. Sa paligid ba o katawan ko ang mainit? Baka naman hindi pa naka-on ang aircon?

“Aray! Drixie!”

Para bang natauhan ako bigla nang umaray siya. Masyado ko yatang nadiinan ang pag dampi ko sa sugat niya. Ano ba kasing pumasok sa isip ko? At ano bang meron sa mga abs niya? Bakit parang nakaka hypnotize?


“I’m sorry, Finn. Hindi ko talaga alam ang gagawin,” natataranta kong sambit. 

Paano ko nga ba siya tutulungan? First time ko mag-tend ng gunshot wound. Kadalasan sariling pasa, pilay, at sugat ko lang ang ginagamot ko. Tsaka mas magaling akong mambugbog kesa mang gamot.


“Kailangan talaga nating humingi ng tulong,” mungkahi ko.

“No please! Aargh! It’s not… safe,” sagot niya at parang bumibigat na ang bawat paghinga niya.

“Akong bahala. Hawakan mo ‘tong gasa.”

Ginabayan ko ang kamay niya na pindutin ang sarili niyang sugat gamit ang gauze. Tapos ay tumayo ako at tinawagan si Zella through video call.

Paglabas ng live video ni Zella sa phone ko…

 “Drixie! Nasaan ka?! Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ko nag-aalala sa ‘yo.” 

“Zella I need your help.” Itinapat ko ang phone kay Finn para ipakitang sugatan siya.

Napasinghap si Zella. “OMG! Anong nangyari? Wait… is that… Fox?”

Itinapat ko ulit sakin ang phone at tumango. “Nabaril siya. Paano ko siya gagamutin?”

“Gagamutin? Teka, don’t tell me binaril mo siya. Dalhin mo kaya siya sa hospital!” sagot ni Zella na nakahawak pa sa ulo.

“Hindi ako ang bumaril sa kanya tsaka hindi siya pwede sa hospital. May mga taong gustong pumatay sa kanya. Basta! Mahabang kwento at wala na kong oras para magpaliwanag. Sabihin mo na lang sakin kung anong gagawin.”


“Ha?! Ako?! Teka Drixie IT ako, hindi doctor. Anong alam ko diyan?”


“Oo, pero nakikita kitang nanonood sa presinto ng tv series na tungkol sa mga doctor, ‘di ba? Baka napanood mo do’n kung paano gamutin ang gunshot wound?”


“Ha? Anong sa presinto ka diyan. Hindi, a. S-Sa bahay kaya ako nanonood,” palusot ni Zella, naka-pout pa ang mga labi niya.

“Zella please!”

“Okay, okay!” Bumuntong hininga si Zella. “Let’s see…”

Itinapat ko ulit kay Finn ang phone para makita siya ni Zella.

“Oh Lord! Mamamatay yata ako sa kamay ng dalawang… doctor quack quack na ‘to,” singit ni Finn na agad din napaungol sa sakit.

“Sshh quiet!” sambit ni Zella sa video call. “Drixie ipikita mo sa ‘kin ang wound.”

Hinawi ko ang kamay ni Finn sa sugat at itinapat ko doon ang phone. “Ito. Kita mo ba?”

“Okay… Drixie dapat quick ka. Check kung bumaon ba ‘yong bullet o kung nasa surface lang?”


“Okay.” Hindi ko na inisip kung paano ang tamang proseso. Basta hinawakan ko ang sugat ni Finn at pinasok ko doon ‘yong daliri ko. May nakapa ako agad na matigas na bagay. “Mukhang mababaw lang.”

Sumigaw nang malakas si Finn. “Oh crap! Damn it!!” 

Agad din niyang hinawi palayo ang kamay ko.


“Ayos mukhang madali lang ‘yan,” sambit ni Zella sa phone.

Umiling-iling naman si Finn. “Ayoko na please! Hayaan na lang natin. Baka kusa namang… lumabas ‘yong bala. Mamahalin ko na lang siya para iwan din ako.”

“Siraulo! Kailangan nating tanggalin ‘yan, okay!” Protesta ko.

Narinig kong tumatawa si Zella sa phone. “Awwe. You guys look so adorable. Kaso hindi ikaw ang ship ko kay Drixie dahil kriminal ka. Wait!  Are you guys in a love hotel?”

“Hindi ah!” Mabilis kong tugon.

Napaalala sakin ni Zella kung nasaan kami ngayon kaya’t parang nag-init ang leeg ko. Agad kong itinapat at nilapit sa mukha ko ang phone para di niya makita ang paligid.

“Mag focus ka kaya,” dagdag ko pa. “Ano ang susunod kong gagawin?”

“Okay um… meron ka bang medical kit diyan?”

Tumango ako.

“Good. Here’s what you need. Look mo diyan ‘yong pangtahi ng sugat, gauze, alcohol. First you need to remove the bullet. Maghanap ka ng kahit ano na pang pick. Tapos um… umm… I think alcohol-an mo ‘yong sugat tapos sew mo bago mo lagyan ng gauze. And I think… that’s it! Certified surgeon na tayo.”

“Oh no, please. I think gusto ko ng… pumunta… ng hospital,” singit ni Finn. Pinipilit niya pang bumangon.

Tinulak ko naman siya para muling mahiga. “Ano ka ba?! Hindi ka na aabot. Akong bahala sa ‘yo. Ililigtas kita, okay?”

“I think the right word is papatayin mo ko. Aargh!”

Hindi ko na muna pinansin si Finn. Muli akong bumaling sa phone para kausapin si Zella.

“Sigurado kang ‘yon lang, Zella?”

“Ow! Kung meron ka palang sedative diyan dapat bigyan mo siya. Hindi niya kakayanin ‘yong sakit kapag gising siya. Tapos pag wake up niya painumin mo siya ng antibiotic at pain reliever.”

Naghanap ako ng anesthesia o kahit anong sedative sa medical kit pero wala akong nakita. May naisip akong paraan para patulugin siya kaso sigurado di niya ‘yon gusto. Pero wala na rin kaming oras para maging mapili.

“Walang sedatives. Pero may alam akong paraan.” 

“Huh? D-Drixie anong paraan ‘yan?” Takot na tanong ni Finn.

Lumayo ako nang konte kay Finn at nilapag ko muna ang phone sa kama. Tapos ay inilibas ko ang taser at pinalitan ko ito ng cartridge. At para ‘di pumalag o umilag si Finn, mabilis ko itong ginamit sa kanya. Saglit na nangisay si Finn at agad na nawalan ng malay.

“I’m sorry,” bulong ko.

Kinuha ko ang unan at inilagay ito sa likod ng ulo ni Finn. Tapos ay para bang natulala ako sa mukha niya. Parang kusa pang gumalaw ang kamay ko na hawiin ang buhok niya.

Kahit puro siya kalokohan, naaawa na ako sa kanya. Kung hindi sana ako ang pinauna niyang lumabas kanina, ako sana ang tatamaan ng bala. Niligtas niya ko kaya dapat lang na iligtas ko rin siya.

“Drixie? Are you there?”

Para bang bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Zella. Agad kong kinuha ang phone at itinapat ko ulit sakin.

“Ako na ang bahala, Zella. Maraming salamat.”

Ibinaba ko ang video call namin. Tapos ay kinuha ko ang pocket knife ko sa bulsa. Ito ang gagamitin ko para tanggalin ang bala.

Huminga ako nang malalim at naghanda.

“Bahala na. Basta hindi kita hahayaang mamatay.”






FINN


HINDI ko sigurado kung umaga na nang magising ako. Ito ang hirap sa mga ganitong hotel, walang bintana, sobrang private, at wala rin orasan. 

Crap! My head and my body hurts so bad– lalo na sa bandang tagiliran. Pero nakabenda na nang maayos ang sugat ko. Mukhang tagumpay si Drixie sa operasyon niya.

“Morning,” bati ni Drixie na nakaupo sa isang single chair sofa na malapit sa kama.

Nginitian ko siya. “I think I’m dead. I can see an angel.”

“Sorry pero hindi. At pupunta ka na sa impyerno. Dadalhin na kita sa presinto,” sagot niya. Tumayo siya at naglabas ng posas.

“Wait lang! Akala ko ba tapos na tayo diyan? Tsaka teka... parang hindi ka yata natulog? Dahil ba nag-aalala ka sa ‘kin?”

“Ha?! Hindi ah!” protesta niya at umiwas siya ng tingin. “Binantayan kita kasi baka tumakas ka.”

Sino bang hindi mapapangiti kapag nabasa na kung sino si Drixie? She’s hard like a rock from the outside but soft as a mallow inside. I’m lucky to have her now. She saved my life.

“Okay. Pero… salamat nga pala. Thanks for saving my life. Kung ‘di dahil sa ‘yo patay na ko.”

“W-Wala ‘yon.”

“Pero please… hindi mo talaga ako pwedeng isuko sa mga pulis. Mamamatay lang ako bago pa magkaroon ng paglilitis. O kaya ay matatalo ako sa korte dahil matitindi ang mga ebidensyang tinanim sa akin,” I begged.


She frowned. “Nagkakamali ka. Kung inosente ka talaga mapapatunayan ‘yan. Lalabas at lalabas din ang katotohanan. Tsaka po-protektahan ka ng mga pulis.”

“Oo inosente ako pero hindi pa kaya ng korte na patunayan ‘yon sa ngayon. And I’ll be good as dead kapag sumuko ako. Papatayin talaga ako ni Mr. Kim kahit nasa presinto pa ko. You saw what they tried to do to us, right?”

Hindi siya sumagot. She just let out a sigh and crossed her arms. She was looking at me like there were questions forming in her mind. She’s probably thinking about whether she can trust me or not.


Ilang saglit pa, umupo siya ulit. 

“Sabihin mo sa ‘kin. Ano ba talagang nangyari sa ‘yo? I mean… what happened three years ago.”

I let out a long exhale. I don’t want her to be involved dahil mas lalo ng nagiging delikado ang buhay ko. Pero kung gusto kong magtiwala siya sakin, ako muna ang dapat mag tiwala sa kanya. It’s time to tell her everything.

“Sige. Kung ‘yan ang magiging daan para maintindihan mo ‘ko. Ikukwento ko sa ‘yo ang nangyari three years ago.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly