DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 10

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


HANDA na ako para umalis ng Tagaytay. Hindi pa dapat pero kailangan na. Muntik na ko sa babaeng ‘yon. I can’t believe I let my guard down? Well, she’s definitely my type. If only she isn’t after me. Anyway, time to go. Magtatago muna ako sa safe house ko sa Baguio.

Pagkatapos kong isuot ang bag pack ko, may nag doorbell sa pinto ng lodge. 

“Sino ‘yan?”

“Room service po.”

Damn it! Why is this door don’t have a peephole? Di ko tuloy makita kung sinong nasa labas. Pero mukhang dinner time na rin pala talaga. Maybe I could grab something to eat before I go.

Pagbukas ko ng pinto…

It was Drixie and she sucker punched me in the face.

“Ow! What the–!”

Grabe ang sakit ng ilong ko! Parang nabali pa yata? Sana lang hindi.

“Aray! Wag naman ‘tong ilong kong gwapo,” reklamo ko habang inaalog-alog ko ang ilong ko.

“Oh? Masakit ba?” Tanong niya na kunwaring nag-aalala pa pero mas mukhang nang-aasar lang. “Tingin ko kulang pa. Next natin ‘yang bibig mo!”

She seems really pissed off.

She attacked me again with a series of punches, swings, and uppercuts. She really knew how to fight. Buti nalang marunong ako umilag. Pag nagkataon bugbog ako sa kanya. Nakakatakot siya. Sayang gandang ganda pa naman ako sa kanya.

Mabilis akong lumingon sa likuran ko. Mawawalan na ako ng space. Pag na-corner niya ako siguradong sapul na naman ako.
Huminto siya saglit, mukhang nag-iisip kung paano aatake. Mukhang hindi pa siya hinihingal. I should make her more angry. That way she'll get tired quickly.

My turn.

Bahagya akong lumapit sa kanya. She threw a swing but I was expecting it. Nasalo ko ang atake niya. Tapos ay niyakap ko siya sa mga braso niya para di na siya makasuntok pa. Nagkadikit kami at naglapit pa ang mga mukha namin.

“Sigurado ka bang gusto mong basagin ang bibig ko? Sayang masarap pa naman ako humalik.” 

Inis na inis siya. She grunted and tried to struggle from my tight embrace. Mas malakas ako sa kanya. Hindi na siya makakawala. Kailangan ko na lang hintayin na mapagod siya.

She suddenly stopped struggling. Nakatingala siya sa kin at nakangiti.

I have a bad feeling about this.

She used her head to attack me. Sapul ako sa bibig. Nabitawan ko siya at napaatras ako sa lakas ng ginawa niya.

“Argh! Alam mo, Drixie, konti na lang iisipin ko ng girlfriend kita dati at ‘di ka maka-get over sa break up natin. Gigigl na gigil ka, e. Pwede bang tapusin na natin ‘to?”

“Oh but I’m just getting started.”

Luminga-linga siya sa paligid. Tapos ay dinampot niya ang isang wireless speaker na nasa coffee table. Mabilis niya itong binato sakin. Buti nalang nasalo ko. Kaso napindot ko ang isa sa mga button.

Now playing: Footloose by Kenny Loggins

I wasn’t able to turn the music off. Umatake na naman kasi siya kaya binitawan ko ang wireless speaker. This time, combination ng mga suntok at sipa ang binigay niya sakin.

Nakaka-ilag naman ako at nakakalayo. Pero binabato niya din ako ng mga kung anong gamit na mahawakan niya.

“Dear, calm down! Wag ‘yong mga gamit na pinundar natin,” pang-aasar ko pa. Sabay ilag sa binato niyang plato.

Yep. Nasa kitchen na kami. Kanina nasa sala lang kami. Should I take her to the bedroom?

Nagpahabol ako sa kanya sa dining table. Paikot-ikot kami doon– kung saan saang direksyon wag lang niya ko mahuli.

“Honey please stop! Promise di na ko male-late ng uwi,” I teased her.

She grunted and then flipped the table. Tinamaan ‘yong paa ko kaya napahinto ako. 

“Crap! Seriously?” I grunted.

The next thing I knew– she grabbed me by my arms and pulled me closer to her. Then she hit me on the groin with her knee.

Parang saglit akong nakakita ng mga bituin sa langit. Aray ko, sir!

Napahawak ako sa ibaba ko at napaluhod pa sa sahig. Tapos ay pinosasan niya ako sa kanang braso.

“Hindi mo na ko matatakasan. Double lock na ‘yan,” sambit niya habang pinapakita pa sa ‘kin na nakaposas na kaming dalawa sa isa’t isa.

“Gano’n ba? Masyado ka namang clingy. Masasakal ako sa relasyon natin niyan,” nakangising kong sambit.

Ginamit ko ang pagkakaposas namin sa isa’t isa bilang advantage ko. Mabilis akong pumunta sa likod niya ng nakayuko. Then I wrapped her again with my arms from behind.

“You know what? I’m starting to think na pinatakas mo talaga ako kanina kasi gusto mong hinahabol ako,” pang-aasar ko pa.

Sinubukan niyang mag pumiglas pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko.

“By the way, please don’t think that I’m taking advantage of you. Ito lang kasi ang way ko para pigilan ka. Ayaw kitang patulan,” sambit ko. Baka kasi iniisip niya na bastos ako.

She kicked the table in front of her. By doing that she was able to push us backward. My back landed on something hard. I think it was the fridge. Nabitawan ko siya tapos ay sinuntok niya ko sa sikmura.

Napayuko ako at napahawak sa tiyan. Pakiramdam ko parang masusuka ako.

“Agh! Malapit… na talaga kitang… patulan,” hirap kong sambit. 


“Oh talaga? Ang tagal naman? Bilisan mo, nabo-bored na ko sa laban, e,” sambit pa niya. Umatake na naman siya ng mga suntok at sipa. Luckily I was able to guard and dodge.

“Can we just talk about it?” tanong ko.

She did not answer. Intake niya lang ako ulit ng mga suntok hanggang sa isa sa mga ‘yon ang tumama sa mukha ko.

“Don’t watch the lips, watch the hands,” sambit pa niya.

Damn! That hurts more.

Sa kaliwang mata ako tinamaan kaya’t kinurap kurap ko ito para tignan kung namumulat ko pa. Okay pa naman. Mabuti nalang naka-atras ako nang konte. Kundi black eye ‘to mamaya.

“Pwede bang ‘wag sa mukha? Sige ka, wala ka ng makikitang gwapo.”

“Okay. E ‘di tapusin na lang natin ‘to agad,” sagot niya. Naglabas siya ng taser at itinutok niya sakin.

Napalunok ako at agad na nagtaas ng kamay.

“Oy teka, Drixie. Friends tayo ‘di ba? Wala namang ganyanan. Tsaka ‘di ‘yan patas.”


She smirked. “Sorry trabaho lang. Have a good night.”

Gagamitan niya na sana ako ng taser nang biglang may nag door bell.

“Room service!”

“Okay… I think totoong housekeeper na ‘yan,” nakangiti kong sambit.

Saved by the bell! Perfect timing! I could figure out how to escape from her.

“Paalisin mo,” utos ni Drixie sakin. Hindi niya inaalis ang tingin at nakatutok pa rin ang taser sakin.

“Hindi pwede. Dinner time na kaya. Protocol nila ‘yan to ensure the safety of their guests. We have to let them in kahit doon lang sala.”


She tsked, and then put her taser back to its holster. “Magpanggap kang walang nangyayari. Kundi pipilayan talaga kita.”

I can’t believe she bought that. Ang cute niya talaga.

“Role play ba? Gusto ko ‘yan! Let’s pretend as husband and wife, shall we?” nakangiti kong sambit sa kanya.

She just frowned. Pero tumabi siya sakin. Itinago niya sa likod ang mga braso naming nakaposas sa isa’t isa. Tapos ay pumunta kami sa sala.

“Here’s our background story. I’m Edward and you’re Bella. We were highschool sweethearts at Hogwarts. We recently got married and this is our honeymoon.”

“Shut up!”

Mukha siyang inis na inis sakin. Pero kahit di siya nakangiti gusto ko pa rin ang mukha niya.. Parang tinamaan yata ako sa kanya. Teka ano bang sinasabi ko? Kung may tama ako literal ‘yon dahil ang dami kong tama sa mukha at katawan.

“Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan? Aayos ka o susuntukin kita?”

Oh boy! Hindi ko namalayan napa-titig pala ako sa kanya. Damn I keep forgetting she’s here to arrest me.

“Pasok po! We’re not naked!” sigaw ko tapos ay kinindatan ko si Drixie.

Tinignan niya lang ako nang masama. Ang sarap niya talaga asarin.

Pagbukas ng pinto isang lalaking may singkit na mata ang pumasok sa lodge. Suot niya ay bowtie and vest over a white shirt na pang waiter. May dala siyang de tulak na lamesa. Sa ibabaw ay may parihaba at malaking food pan na nakatakip.


“Bakit parang ang dami mo yatang in-order?” tanong ni Drixie.

Something’s not right. Tama si Drixie bakit parang malaki ang lalagyan ng pagkain. I have a bad feeling about this. I hope I’m wrong.

Inalis ng lalaki ang takip ng food pan. Nakita ko agad ang isang Japanese sword na kinuha nito mula doon.

Inatake kami ng lalaki. Mabuti nalang nahatak ko si Drixie kaya’t nakailag kami. Pero napalakas ang hatak ko sa kanya kaya’t nagkadikit kami. 

Di ko na ‘yon masyadong pinansin. Tinuon ko ang atensyon sa lalaki. Bago pa niya kami atakihin ulit mabilis ko siyang sinipa palayo samin.

Nagkatinginan kami ni Drixie. I gave her a ‘we-should-probably-team-up’ look. Sana lang na gets niya.

Umatake ulit ang kalaban. He raised his sword as if preparing to chop us while screaming a battle cry.

Mabilis akong humakbang palapit sa kalaban. Tapos ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ang atake niya. Si Drixie naman ginamitan siya ng taser sa leeg.

Nangisay saglit ang kalaban at natumba sa sahig.

“Nice! You know what? I think mas okay kung magka-partner tayo,” nakangiti kong sambit kay Drixie.

But it was too early to celebrate. Another guy came in with a submachine gun. Gumana agad ang instinct ko at mukhang ganon din si Drixie. Tumakbo kami palayo hanggang sa makapunta ng kitchen. Nagtago kami sa likod ng isang pader.

Nabalot ang buong cabin nang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril. Para itong mga pinatulis na tunog ng paputok na plapla na may halo pang tunog ng hangin na parang hinihiwa at bakal na tumatama sa mga bato. 

Agad kaming yumuko ni Drixie. Naisipan kong iharang ang katawan ko sa kanya para siguradong hindi siya tamaan ng bala.

“Sino ‘yang mga ‘yan?! Bakit gusto nila tayong patayin?!” takot na tanong ni Drixie. Nanginginig ang mga labi at mga kamay niya. Ito ba ang unang beses na maranasan niyang paulanan ng bala?

“Ako lang dapat. Pero dahil kasama kita– nadamay ka. Mga tauhan ‘yan ni Mr. Kim. Sigurado ako. Gusto talaga akong patayin ng matandang ‘yon.”

“Ano?! Bakit kasama ako? Ikaw lang naman pumatay sa mga anak niya ‘di ba?”

“Sa maniwala ka o sa hindi– inosente ako. Hindi ko pinatay ang mga anak niya. Na-frame up lang ako.”

Ilang saglit pa, biglang tumahimik. Pagkakataon na namin.

“He’s reloading. I’ll explain later. We have to move!” 

Hinatak ko si Drixie patungo sa malaking bintana ng kusina. Magagamit namin iyon palabas ng lodge. Binuksan ko iyon at pinauna ko siyang lumabas. Nakalabas naman siya. Pasunod na ko nang makapunta na rin sa kusina ang kalaban. Pinaulanan na naman niya kami ng bala pero tuluyan na rin akong nakalabas.

However… I think… I got hit. 

Habang tumatakbo kami sa labas ng lodge, nakahawak ako sa tagiliran. Tinamaan ako ng bala. Hindi ko alam kung daplis lang pero sobrang hapdi. Parang may tumusok sakin at mainit ito.

We had to stay low while running. Hanggang sa labas kasi pinapaputukan kami ng baril. Ginamit namin ang mga puno sa paligid bilang temporary cover.

“There! That’s my car,” sambit ko habang nakaturo sa isang kulay itim na sedan sa di kalayuan. 

Kinuha ko ang susi ng kotse sa bulsa at inabot ito kay Drixie. “Here… take this. I can’t… drive.”

Napansin niya ang tagiliran ko.

“Tinamaan ka?”

Tumango at ngumiti ako kahit mahapdi. “Mukhang daplis lang. Pero sa ‘yo tinamaan talaga ako.”

Napaupo ako. Para bang bumigat kasi ang mga binti ko. Hindi naman siya umalma sa biro ko. Instead, she checked on my wound.

“Anong daplis? Tinamaan ka kaya!”

Now that she said it, I suddenly felt the pain I was enduring. I definitely got hit. I had to close my eyes for a bit.

Ikaw na ang bahala… Drixie…

“Wait… Wake up! Stay with me. Diinan mo nito ‘yong tama mo. Dadalhin kita sa Hospital.”

I really thought I was gonna pass out. Nagising niya ako. Inabot niya sakin ang isang panyo at napansin ko din na wala na kaming posas sa isa’t isa.

Nang huminto ang mga pagputok ng baril. Buong lakas kong sinubukang tumayo. Inalalayan niya ako at tumakbo kami papunta sa sasakyan. 

Hindi ako dapat maging pabigat. Pag inalala niya pa ko, baka siya naman ang tamaan ng bala.

Nakapasok kami sa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat ako at si Drixie naman ang nasa driver’s. 

Pinagbabaril na naman kami ng kalaban. Mabuti nalang at agad na napaandar ni Drixie ang sasakyan. Mabilis niya itong pinatakbo.

“Please… don’t take me… to a hospital. Just get us… somewhere safe. May first aid kit… ako dito… sa sasakyan,” hirap kong sambit. Kinailangan kong umihip-ihip para subukang ibsan ang hapdi ng tama ko sa tagiliran.

“Ano ka ba?! Hindi ko kayang gamutin ‘yan! Tsaka wala ng oras para pag-usapan pa natin ‘yan!”

Hinawakan ko siya sa braso. “Please… pag dinala mo ko sa hospital… mahuhuli ako ng mga pulis. I can’t… not yet– Kailangan kong patunayan… na inosente ako. At hindi ko… magagawa ‘yon… kapag… nakulong ako.”

Hindi ko na alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas para mag salita. Sana lang makinig siya sakin.

“Ano bang pinagsasabi mo? Kung inosente ka talaga, mananalo ka sa kaso. Pero hindi mo magagawa ‘yon kapag namatay ka. Kaya dadalhin kita sa hospital.”

“Please…”

Nakatingin lang ako sa kanya. Nagmamakaawa na baka sakaling makinig siya.

“Tumahimik ka muna! Just focus on your wound, okay?!” Natataranta niyang sambit.

Umihip-ihip ulit ako. Parang nahihilo na ako at bumibigat na ang mga mata ko.

“Kung… sakaling… mamatay ako… ikaw sana ang maging witness… na hanggang sa huli kong hininga… inosente ako.”

I thought she was going to ignore me. But after a long silence and a frustrated grunt from her, she made a sudden turn.

“Saan tayo… pupunta?” tanong ko. “Dalhin mo nalang ako… sa puso mo. Basta… wag… sa Hospital.”

“Shut up! Hindi kita hahayaang mamatay.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly